Advertisers

Advertisers

LONG WEEKEND ALERT: NINOY AQUINO DAY INILIPAT NI PBBM SA AGOSTO 23

0 16

Advertisers

ISA na namang long weekend ang naghihintay sa mga maggagawa sa susunod na linggo.

Ito’y matapos ilipat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita sa Ninoy Aquino Day sa Biyernes, Agosto 23, kasabay ng pagdedeklara rito bilang special non-working day sa buong bansa.

Ginawa ang deklarasyon sa pamamagitan ng Proclamation No. 665 ni PBBM na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang Agosto 15.



Samantala, wala ring pasok sa susunod na Lunes, Agosto 26, dahil sa paggunita ng National Heroes Day.

Sa bisa ng Republic Act No. 9256, idineklara ang Agosto 21 kada taon bilang Ninoy Aquino Day.



Si Aquino ay matatandaang pinaslang sa Manila International Airport na ngayo’y Ninoy Aquino International Airport noong Agosto 21,1983 kaya pinangalan sa kanya ang naturang paliparan. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">