Advertisers
Kalaboso ang isang lalaking maghahanap sana ng trabaho pero tiyak na kulungan ang bagsak matapos masilip na may pending warrant of arrest ito sa kasong murder habang kumukuha ng police clearance, kamakalawa sa Antipolo Police station, Antipolo City.
Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director, nakilala ang akusado na si alyas Ben, 50-anyos at residente ng Brgy. San Roque, Antipolo City.
Ayon sa report, nabisto ang suspek kamakalawa ng bandang alas-12:33 ng hapon habang kumukuha ito ng police clearance.
Sinasabing habang ipinoproseso ang aplikasyon nito ay lumabas sa database na mayroon itong pending warrant of arrest sa kasong murder na ibinaba ng Regional Trial Court (RTC) Malolos City, Bulacan noong November 9, 2021 at walang nirerekomendang piyansa.
Agad na inimpormahan ng tauhan na nakatalaga sa police clearance ang warrant team para ihain nang harapan ang warrant of arrest sa akusado.
Hindi naman na nakapalag pa ang akusado at tinanggap ang pagkakulong nito.
Nabatid na nagtago ito sa Antipolo City taong 2021 dahil sa pagpatay sa kanyang kinakasama sa Bulacan.
Agad na inimpormahan ng tauhan na nakatalaga sa police clearance ang warrant team para ihain
Nasa kustodiya ngayon ng Antipolo Custodial Facility ang akusado habang hinihintay ang pagdinig sa kaso.