Advertisers
Sugatan ang tatlong katao matapos ang tensyon sa pagitan ng dalawang nag-aaway na pamilya sa Sumisip, Basilan.
Ayon sa 101st Infantry Brigade, nagresulta sa putukan ang away sa pagitan ng dalawang pamilya sa Brgy. Etub-Etub.
Sinabi ng militar na sangkot sa away ang mga pamilya ng nanunungkulan at dating barangay chairman.
Gayunpaman, sinabi ng mga awtoridad na ang insidente ay isang isolated na kaso.