Advertisers
Kahabag-habag ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet at cellphone sa isang fastfood chain ay kinulong pa sa Antipolo police station.
Ang Lolo na isang banyagang Amerikano ay kinilalang si John Clifton ng Palmera Subdivision, Antipolo city na hanggang sa kasalukuyan ay nakakulong pa rin sa nasabing istasyon. Siya ay napag-alaman din makakalimutin ay may oras na naguu-ulyanin na dahil sa edad.
Siya ay kinasuhan ng Act of Lasciviousness na siyang dahilan ng kanyang pagkakapiit na hindi naman maipa-liwanag ng Investigator on Case na si PO1 Guadalupe ng Women’s Desk kung paano naganap ang insidente at kung ano ang naging basehan ng kaso.
Ayon kay Clifton,napilitan siyang lumapit sa ilan mga customer ng Cherry foodmart dahil wala siyang pambayad sa kanyang inorder sa nasabing foodchain.
Maliban dito ay wala na rin siyang pamasahe pag-uwi dahil nga nawala ang kanyang wallet at cellphone na umanoy nasalisihan ng siya ay tumayo sa kanyang mesa patungong counter.
Isang 26-anyos na babae aniya na kanyang nilapitan ang nagpahiram sa kanya ng 2hundred pesos na labis niyang ikina-galak.
Dahil nga sa sobrang tuwa at bilang tanda ng pasasalamat, nahawakan daw niya ang braso at nahimas din niya ang buhok ng babaeng tumulong sa kanya.
Ito daw ang naging basehan upang siya ay kasuhan ng Act of Lasciviousness. Wala naman daw naganap na panghihipo sa anumang maselan parte ng katawan ng babae.
Imposibleng hipuan daw niya ang babaeng tumulong sa kanya dahil sa dami ng mga tao sa nasabing foodchain. Malakas daw ang kanyang kutob na kakontsaba ng mga pulis ang babae at mukhang scripted at set-up daw ang naging mga kaganapan.
Hinihingan namin ng police investigation report ang inbestigador na si PO3 Guadalupe nguni’t wala itong mai-pakita sa di malamang dahilan.
Nai-forward na daw niya ito sa Fiscal nguni’t wala pa rin daw kasong binababa ito samantalang mahigit isang linggo na itong nakapiit.
Masyadong mahiwaga ang mga kaganapan ng biglang tumawag ng piyansador itong si Guadalupe para sa nasabing kaso na nauna pa sa kumpas ng Fiscal.
Para hindi na maabala, sinabi ng asawa nj Clifton na nagbigay sila ng piyansang P15,000 sa surety bond para sa nasabing kaso at para sa temporary liberty ng kanyang asawa nguni’t dalawang linggo na ang lumipas ay naka-kulong pa rin ang kanyang asawa, ANYARI?
Sinasabi naman ng piyansador at ng mga police na wala pa daw information sheet natatanggap ang fiscal kung kaya’t hindi pa ito ma-release, eh kanino ba manggagaling ang information sheet na ito?
Magulo at tila pinapaikot ng kung sinu-sinong tao itong kaso ni Lolo Clifton na halos isang buwan ng nakakulong.
Wala rin naman pinapakitang inquest preceedings ang inbestigador kung kaya’t di malaman kung talagang mag pinile na kaso at haw-shaw lang ang binayad na piyansang di malaman kung sino ang tumanggap.
Nagaalala na ang asawa ni Clifton na baka daw atakihin na ito sa puso dahil sa sobrang stress at init sa loob ng selda gayong 74-anyos na ito.
Mantakin niyong mahigit dalawang linggo ng piyansado ang akusado nguni’t hanggang sa kasalukuyan ay naka-kulong pa rin ito.
Sinabi ng ilan mga tao na usong-uso daw talaga sa Antipolo city ang budol-budol partikular na sa mga mall at mga sikat na fastfood chain.
May posibilidad daw talaga na may connaivance ang ilanmga pulis at miyembro ng budol-budol gang dahil doon na rin mismo nagkakaroon ng arestuhan sa pagitan ng mga pulis at mga taong kakasuhan nila kuno, ganon kabilis na parang naka stand-by na lang ang mga operatiba.
Sa kalagayan ng inbestigador na si lihim ng Guadalupe, maaaring siya na rin ang gumanap na arresting officer ni Lolo.
Madalas daw maganap ang ganitong klase ng insidente sa Antipolo city dahil maraming turista daw ang duma-dayo dito na madaling gawan ng script at eksena.