Advertisers

Advertisers

‘Dear Satan’ film ni Paolo, pinalagan ng mga pastor

0 21

Advertisers

Ni Jovi Lloza

MISMONG ang mga pastor ay pumalag at kinontra ang titulo ng bagong film ni Paolo Contis na Dear Satan.

Mukha kasi na tila pino-promote pa ng nasabing film ang kasamaan.



Kaya namimiligro ang nasabing film na tila aaksyon ang samahan ng mga pastor na mapatigil ang pagpapalabas ng nasabing pelikula.

May mga tsika na ilalapit ito sa ahensiya ng MTRCB kaya nababahala na ang bida na si Paolo na baka maudlot ang pagpapalabas nito.



Kaya ayon sa kampo ni Paolo ay papapalitan daw ang titulo para matuloy lang ang pagpapalabas nito.

***



Paghingi ng dasal ni Carla sa
agarang paggaling, nagbunga

NAGPASALAMAT nang bonggang bongga si Carla Abellana sa kanyang followers dahil sa dagliang paggaling nito.

Thankful din ito at naka-recover na siya mula sa panghihina.

Sa dating post sa socmed account ni Carla ay makikita sa ilang larawan na ito ay nasa Diliman Doctor’s Hospital habang nakahiga na may dextrose. May caption ito kay Lord na i-heal na siya.

Hhumingi rin ito ng panalangin sa kanyang followers.

May ilang artista ang nagpaabot ng magpagaling ang aktres tulad ng mga kasama nito sa Widows War na sina Nadine Samonte, Sofia Pablo, atbpa.

May pa get well soon naman ang kanyang co star sa serye na si Bea Alonzo at may caption na “Yakap, pagaling ka!”

Well, well, well…Yun na!