Advertisers

Advertisers

Mag-utol na Gou at Ong tumakas gamit ang speed boat sa Tawi-tawi – NBI

0 13

Advertisers

POSIBLENG sa bayan ng Bongao, Tawi-tawi sumakay ng speed boat sa pantalan ang pinatalsik ng Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, kapatid nitong si Shiela at Wesley, at Cassandra Ong patungong Malaysia.

Sa pagdinig ng Senate subcommittee on justice and human rights, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na maaaring nagbiyahe ang apat na anim na oras sakay ng bangka o speedboat.

“Sa parte po namin your honor, mukhang malinaw nga na nakalabas siya ng bansa hindi gumagamit ng ating airport. Yung sinasabi niya na nagbyahe sila ng 4 to 6 hours via banca para papuntang Malaysia, ang teorya po namin dyan ay parang sumakay sila ng bangka, speed boat, sa bandang Bongao, Tawi-Tawi,” pahayag ni Santiago sa komite.



“Theory lang po namin yun wala pa kaming complete evidence to conclude,” paglilinaw niya.

Ayon kay Santiago, aabutin ng 10 hanggang 12 oras kung sasakay ng ferry boat ang mga Guo kaya paniwala niya, mga apat hanggang anim na oras nagbiyahe ang mga ito sakay ng speed boat papasok ng Sabah, Malaysia.



“Meron po tayong port sa Bongao municipality ng Tawi-Tawi pero ‘pag sumakay sila through the ferry boat na namo-monitor natin yung port talaga natin, it will take them 10 to 12 hours pero magkakaroon po ng marka ang kanyang passport,” ani Santiago.

“Pero dahil po walang marka ang kanyang passport ng labas niya sa Pilipinas ay ang theory po namin ay gumamit nga ng backdoor. Nagbiyahe sila ng 4 to 6 hours via banca, speed boat, from Bongao to Sabah. Yun po ang pinakamalapit sa Sabah,” saad pa niya.



Samantala, sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio na base sa nakarating sa kanilang impormasyon, huling naispatan si Alice Guo sa Zambales Hulyo 14.

“In all fairness madam chair the last report that we had that we are able to validate in relation to a sighting of Mayor Guo was last July 14 and it was in a private resort in the western tip of the Philippines. That would be Zambales madam chair,” sabi ni Casio.

“So that was July 14 madam chair. But if she left Denpasar [capital city of Bali, Indonesia] for Malaysia on July 17 arrived in Malaysia on July 18, then there would be a 3-day window period that we in PAOCC could not possibly account for,” dagdag pa niya.

Nang tanungin ni Senadora Risa Hontiveros kung posible bang totoo ang teorya ng NBI na maaring nag-backdoor ang mga Guo para tumakas patungong Sabah, Malaysia, sinabi ng Casio na wala silang ebidensiya hinggil dito.

“We had no evidence either way. So because as stated our last positive sighting of her was July 14 in Zambales,” ani Casio.