Advertisers

Advertisers

LIGHT AIRCRAFT NA MAY MAXIMUM WEIGHT NA 5,600 KILOS, HINDI PINAPAYAGANG LUMIPAD – CAAP

0 13

Advertisers

INIHAYAG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang lahat ng uri ng light aircraft na may maximum certificated takeoff weight na 5,600 kilos o mas mababa ay hindi pinapayagang mag-take-off o lumipad sa ilalim ng storm signal number 1, napag-alaman sa ulat kahapon.

Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, naglabas si CAAP Director General Capt. Manuel Antonio L. Tamayo ng Memorandum Circular 013-2023 na naka-address sa mga airline at sa general aviation flights na nagbabawal sa lahat ng uri ng light aircraft na may maximum gross takeoff weight na 12,500 pounds o 5,600 kilograms o mas mababa tulad ng single engine Cessna planes 172, 152 at iba pa ay ipinagbabawal na lumipad sa ilalim ng Storm Signal number 1 para sa kadahilanang pangkaligtasan.

Ang lahat ng mga pasahero at tripulante sa parehong komersyal at pangkalahatang mga flight ay dapat sumailalim muna sa security clearance at mga pamamaraan sa passenger terminal building sa lahat ng CAAP operated airports sa panahon ng storm signal number 1.



Idinagdag ni Tamayo na ang mga sasakyang panghimpapawid na lumilipad sa ilalim ng Visual Flight Rules (VFR) ay dapat iwasan sa panahon ng bagyo.

Sinabi rin ni Apolonio na ang mga paliparan na pinamamahalaan ng CAAP ay nananatiling operational at walang naiulat na pinsala sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Enteng.



Naitala ng CAAP Operations Center noong Lunes ang 38 domestic flight cancellations sa iba’t ibang airport dahil sa sama ng panahon dulot ng Bagyong Enteng.

Pinayuhan ang mga pasahero na kumpirmahin ang kanilang mga iskedyul ng paglipad sa kani-kanilang mga airline at dumating sa paliparan ng hindi bababa sa dalawang oras bago ang kanilang nakatakdang pag-alis.



Ngayong araw ng Martes, kinansela ng Laoag International Airport (LIA) ang 2 flight Manila-Laoag-Manila na nakaapekto sa 100 inbound at 71 outbound passengers.

Ang San Fernando Airport (La Union) na may visibility na humigit-kumulang 4 na kilometro na may mababang ulap at nakararanas ng tuluy-tuloy na mahinang pag-ulan, at sinuspinde ang may VFR operations.

Gayundin, sa San Jose Airport ay kinansela ang lahat ng Cebgo flights dahil walang naitala na mga stranded na pasahero. (JOJO SADIWA)