Advertisers

Advertisers

Sindikato ng pekeng immigration stamps, nabuking

0 11

Advertisers

NABUKING ang sindikato ng pekeng immigration stamps nang masabat ang apat pang biktima ng trafficking na tinangkang umiwas sa immigration clearance gamit ang pekeng departure stamps, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Sa ulat, isang 40-anyos na lalaki ang tinangkang sumakay ng Cathay Pacific flight biyaheng Hongkong na nagpakita ng pasaporte na may kaduda-dudang selyo.

Inamin ng lalaki na inalok siya ng trabaho ng isang babaeng recruiter na nakilala niya sa Facebook at humingi ng P120,000 bilang processing fee at pangakong makakaiwas siya sa immigration na hindi mapupuna.



At isang 32-anyos na babae, 27-anyos na babae at 24-anyos na lalaki na pawang biktima ng traficking ang pinigil bago paman sila makasakay ng Jetstar flight biyaheng Singapore dahil sa kaduda-dudang selyo.

Sinabi ng mga biktima na may kaibigan sila sa Cambodia para sa bakasyon pero sa bandang huli, inamin na ni-recruit lang sila na magtrabaho bilang call center agents na may P50,000 na suweldo sa 12-oras na shift.



Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang mga biktima, na-reruit sa isang scam hubs sa abroad na nagpapanggap na call centers.

I-turn over ang mga biktima sa inter-agency council against trafficking habang sasampahan ng kaso ang kanilang mga recruiters.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">