Advertisers
NASAWI ang tatlo katao at isa ang sugatan sa banggaan ng kulong-kulong at commuter van sa Barangay Poblacion East, San Nicolas, Pangasinan nitong Martes ng madaling araw, Setyembre 2.
Sa ulat, minamaneho ang Toyota commuter van ng 44-anyos na Catholic Priest na residente ng Alcala, Cagayan; samantalang ang kulong-kulong ay minamaneho ng 38-anyos na construction worker, ng Bry. Poblacion West, Umingan, Pangasinan.
Kasama ng pari sa commuter van ang isang male occupant, habang kasama ng driver ng “kulong-kulong ang tatlong lalaki na pawang residente ng Umingan, Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyon, bumibiyahe ang van papuntang kanlurang direksyon sa provincial road sa naturang lugar nang biglang lumabas ang kulong-kulong na mabilis ang takbo papuntang hilaga sa may intersection kaya nagkasalpukan ang dalawang sasakyan.
Resulta nito, pawang nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang driver ng kulong-kulong at ang mga sakay nito na agad na dinala sa EPDH Tayug, Pangasinan subali’t idineklarang dead-on-arrival ng doktor.
Hindi nasaktan sa insidente ang driver ng commuter van at ang kasama nito.