Advertisers

Advertisers

Kasosyong Pinoy, tinangay milyong pondo ng kompanya

0 66

Advertisers

Nahaharap sa kasong Qualified Theft ang isang Pilipino na kasosyo sa negosyo ng isang dayuhan.

Kinilala ang inirereklamo na si Dennis Mallari Gabriel, 49-anyos, may-asawa, kasosyo at dating Presidente ng Kalenborn Weartech Philippines.

Sa report, nadiskubre si Gabriel na tinangay nito ang malaking halaga ng pera ng kanilang kumpanya.

Napag-alaman nang nagrereklamong dayuhang kasosyo ni Gabriel na nagtayo rin umano ito ng parehong negosyo at doon inilipat ang nakulimbat na pera. Bukod dito, mayroon din si Gabriel na maraming unliquidated cash advances na hindi maipaliwanag kung saan dinala o ginamit.

Naisampa ang kasong Qualified Theft laban kay Gabriel sa RTC Branch 157 ng Pasig City, sa sala ni Judge Ana Teresa T. Cornejo-Toma Cruz, na may Criminal Case no. PSG-2100915.

Batay sa mga dokumentong iniharap sa Pasig City Office of the City Prosecutor, nadiskubre at napag-alaman na kinulimbat ni Gabriel ang nasabing milyong pondo ng kumpanya kaya kinasuhan ito ng kanyang kasosyong dayuhan.

Naglunsad na ang NBI at PNP ng malawakang paghahanap laban kay Gabriel nang magtago nang malaman na walang piyansa ang kanyang kaso.

Agad din inalerto ang Bureau of Immigration (BI) upang matiyak na hindi makakalabas ng bansa si Gabriel.(AP)