Advertisers
Paso na ba ang inyong lisensya sa pagmamaneho at hindi makapag-renew dahil may pasok ka mula Lunes hanggang Biyernes?
Hindi kaya kailangan mo pang mag-file ng leave o mag-absent para lamang maasikaso ang inyong dokumento sa Land Transportation Office (LTO).
Kung kabilang kayo sa mga tinutukoy natin, huwag nang mangamba dahil hindi mo na kailangan pang mag-leave o umabsent sa trabaho. Ganun ba?
Tama ang inyong nabasa, huwag nang mangamba dahil sa…ang LTO na mismo ang gumawa ng paraan para maasikaso mo na ang inyong pasong lisensya at iba pang kailangan g dokumento sa ahensya.
Heto ang ginawang solusyon ng LTO o masasabing good news. Solusyon? Anong solusyon?
Bukas na…yes, bukas na ang LTO sa tuwing araw ng Sabado kaya sa mga empleyado na ayaw mag-absent o mag-leave para asikasuhin ang kanilang mga dokumento sa LTO, heto n ang inyong pagkakataon.
Maaari na kayong magtungo magtungo sa alinmang opisina ng Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila tuwing araw ng sabado kung walang panahon magtraksiyon sa ahensiya nang weekdays.
Yes, Metro Manila pa lamang po ang about ng program. Pero huwag mag-alala ang mga nasa probinsiya, naka darating din ang araw na maging ang mga lokal na tanggapan ng LTO sa inyong bayan ay magsisilbi na rin sa inyong sa tuwing araw ng Sabado.
Ayon kay LTO NCR Director Roque “Rox” Verzosa III na tuwing sabado ay bukas na ang lahat ng LTO District/Extension Offices at Licensing Centers sa Metro Manila.
Layunin ng programa ay upang mapabuti pa ang serbisyo ng ahensiya sa publiko at maserbisyuhan ang tumataas na bilang ng mga motorista bukod sa magkakaroon na ng panahon ang mga motorista na mailakad ang kanilang pasong lisensya sa LTO lalo na inyong walang oras sa weekdays o hindi kaya ang mga kukuha din ng bagong driver’s license.
“We expect that our Saturday operations will greatly assist those who wish to transact business with our offices on weekends. Tuluy-tuloy po ang aming operasyon kahit sa araw ng Sabado upang sa ganoon ay mas maraming tao po ang aming mapaglingkuran,” pahayag ni Verzosa.
Para pa sa dagdag kaalaman kaugnay sa programa o ano man transaksyon sa LTO, hinimok din ni Verzosa ang publiko na bisitahin ang LTO NCR official website para sa iba pang mga updates at announcements sa www.ltoncr.com.
Hayan ginawa o sinolusyonan na ng LTO ang inyong problema – hindi niyo na kailangan pang mag-file ng leave of absent o tumakas pa sa inyong opisina tuwing weekdays para lang asikasuhin ang inyong mga dokumneto sa LTO.
Tandaan ha, bukas na ang LTO tuwing araw ng Sabado. Iyon nga lang dito palang sa Metro Manila. Hintay-hintay lang kayo diyan sa probinsiya baka, susunod na kayo. Hindi ba LTO Assec Vigor Mendoza sir.
Salamat Sir Atty. Mendoza sa programang ito.