Advertisers

Advertisers

NCAA: Cardinals wagi vs Altas

0 17

Advertisers

PINAMUNUAN ni Clint Escamis ang opensiba ng Mapua University sa 71-65 come- from-behind victory laban sa makulit na University of Perpetual Help sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season100 men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City Linggo.

Nagpasabog si Escamis ng 28 points, kabilang ang apat na triples, at pantayan ng Cardinals ang kanilang biktima sa second spot sa 2-1.

Idle defending champion San Beda University at San Sebastian College ganyan din na taglay ang 2-1 cards.



Ang reigning Most Valuable player ay nagtala rin ng three steals,two rebounds,two assists at one block.

“We’re coming, baby, redemption season,” Wika ni Escamis sa kanilang kampanya para maghiganti sa kanilang to runner-up finish nakaraang season.



Marc Cuenco nagdagdag ng 12 points at six assists habang si John Jabonete may eight points at five rebounds para sa Cardinals.

Mark Gojo Cruz nagtapos ng 17 points at seven rebounds habang si Christian Pagaran at Cedrick Abis nag-ambag ng tig- 12 points para sa Altas.



Makakatunggali ng Perpetual ang leader College of Saint Benilde (3-0) sa Setyembre 18 ng tanghali habang ang Cardinals makakaharap ang Colegio de San Juan de Letran (1-1) sa Setyembre 20, alas 2:30 ng hapon.