Advertisers

Advertisers

Pulis-Kyusi natakasan ng babaeng preso

0 32

Advertisers

TUMAKAS o pinatakas?

Ito ngayon ang sentro ng imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) laban kay Corporal Aaron Balbaboco Balajadia, 36 anyos, nakatalaga sa Batasan Police Station (PS-6) bilang Mobile Patroller, matapos mawala na parang bula ang ‘wanted’ na si Mary Rose Parenas na nahuli sa bisa ng warrant of arrest.

Batay sa imbestigasyon, dinala ni Balajadia si Parenas sa Rosario Maclang Bautista General Hospital sa IBP Road, Barangay Batasan, Quezon City 3:50 ng umaga ng Sabado dahil sa iniindang pananakit ng tiyan at hirap sa paghinga.



Habang nasa ospital, nakiusap umano si Parenas kay Balajadia na ibili siya ng sanitary napkin sa kalapit na tindahan.

Subali’t sa pagbalik ng pulis sa ospital ay wala na si Parenas.



Sinikap umanong hanapin ni Balajadia si Parenas subalit bigo nang makita ang huli.

Bunsod sa insidente, inaresto ng kanyang mga kabaro si Balajadia na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article 224 (Evasion through negligence) ng Revised Penal Code (RPC).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">