Advertisers

Advertisers

Guro, mister natusta sa sunog

0 29

Advertisers

NALITSON ng buhay ang isang guro at mister nito nang hindi makalabas sa nasusunog nilang tahanan sa Barangay Matalava, Lingayen, Pangasinan, Sabado ng hapon.

Kinilala ni Senior Fire Officer 2 Jaypee Aquino de Guzman ng Bureau of Fire Protection-Lingayen, ang mga biktima na sina Wendy Repato, 35 anyos, seafarer; at Ronaly de Guzman Repato, 31, isang public school teacher.

Sa imbestigasyon, si Roger de Guzman, ama ni Ronaly, nakaamoy umano ito ng nasusunog na bagay mula sa loob ng kanilang kusina 2:40 ng hapon, na sinundan ng pagliyab ng apoy.



Nabigong makalabas ng bahay ang mga biktima na noon ay natutulog sa kanilang silid.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">