Advertisers
Naglabas ng memorandum circular ang DILG na nagpapaalala sa mga Mayor, Gobernador, mga Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, Panlungsod, at Bayan tungkol sa mga karapatan ng Presidente ng Sangguniang Kabataan Pederasyon.
Ayon sa SK Reform Law ay dapat ang Presidente ng Sangguniang Kabataan Pederasyon ang Chairperson ng Committee on Youth and Sports Development at dapat ay regular na miyembro ng Committee on Education, Environment, Employment and Livelihood, Health and Anti-Drug Abuse, and Gender and Development ng Konseho.
Dahil dito, pinaalalahanan ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., ang mga opisyal na hindi sinunod ang mga probisyon na ito.
Ayon sa official page ng SK Federation Manila, ang memorandum circular na iyon ay nagsisilbing patunay na hindi legal ang pagkatanggal sa komite ni Konsehal Juliana Ibay.
Pinasasalamatan rin ng Presidente ng Panlungsod na Pederasyon ng Maynila na si Konsehala Juliana “Yanyan” Ibay ang DILG sa pagbibigay ng paalala sa Konseho ng Maynila tungkol sa mga karapatan SK Federation President.