Advertisers

Advertisers

Online registration para sa deactivated voters pinalawig ng Comelec hanggang Sept. 25

0 31

Advertisers

INIREKOMENDA ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia sa en banc na palawigin pa ang online registration para sa mga deactivated voter hanggang Setyembre 25 ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Garcia, ang mga kwalipikado rito ay ang mga botanteng hindi nakaboto sa loob ng dalawang magkasunod na halalan.

Maaari silang maghain ng application for reactivation online basta’t may kumpletong biometrics pa sila sa local COMELEC office kung saan sila rehistrado.



Noong September 7 ang orihinal na deadline ng pagpapa-reactivate bago palawigin hanggang sa susunod na linggo.

Samantala, ilang araw bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections, nagbabala ang Comelec sa mga kawani ng gobyerno na bawal mangampanya para sa kanilang gustong kandidato.



Paalala ni Garcia sa mga appointed na opisyal, hindi sila maaaring makilahok sa anumang partisan political activities, lalo na sa darating na halalan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">