Advertisers

Advertisers

ANG HARI AT ANG SELDANG-ANGHEL MAGLALAGABLAB?

0 2,106

Advertisers

MAGLALAGABLAB nang tuluyan ang buhay ng isang HARI at ang kaniyang kaibigang SELDANG-ANGHEL kung mapapatawan ng parusang pagkakulong at kung mapawalang-sala naman ay higit na MAGLALAGABLAB ang kanilang magiging paghihiganti laban sa mga nagsipag-akusa sa kanila

Kumbaga.., tunay nga bang PROPHET ang SELF PROCLAIMED SON OF GOD na si PASTOR APOLLO QUIBOLOY na namuhay sa karangyaan mula sa pagsusumikap ng kaniyang mga taga-sunod na siya’y mapaligaya mangahulugan man sa pag-aalay ng kani-kanilang mga katawan.

Ang magagara nitong kasuotan, mamahaling relo at mga alahas dagdag pa riyan ang pagkakaroon niya ng pribadong jet ay kayang magpakain ng daan-daang pamilya sa loob ng ilang buwan.., pero, saan nga ba galing ang kaniyang yaman?



Sa rebelasyon ng mga dating tagasunod ni PASTOR QUIBOLOY.., ang kaniyang yaman ay galing sa
mga tagasunod na karamihan sa kanila ay mga ordinaryong manggagawa, sumusweldo ng
minimum wage, ngunit pinipilit magbigay ng 10% ng kanilang kita sa KINGDOM OF JESUS CHRIST (KOJC).

Kung may nagtatanong hinggil sa marangya niyang pamumuhay ay ipinaliliwanag nito sa simpleng pananalita na… “kung hindi ito kalooban ng Diyos at naniniwala naman, wala ako nito” na aniya pa ay dumadaloy sa kaniya ang kalooban ng DIYOS.., at sinasampalatayanan naman ng kaniyang mga taga-sunod na walang anumang pag-aalinlangan.



Si LORD JESUS CHRIST ay namuhay ng simple na walang marangyang compound na ayon kay PASTOR QUIBOLOY ay siya ang KRISTO sa kasalukuyang panahon.., at dahil sa talento nitong pangangaral ay nakaakit ito ng mahigit 6 milyong-katao. Marami sa mga miyembro ay kapos sa buhay ngunit patuloy pa ring nagbibigay ng kanilang pera.., sa paniniwalang ito ang
magliligtas sa kanila mula sa impiyerno.

May mga nagtanong kung bakit nagdurusa ang kanyang mga tagasunod habang siya ay nagpapakasasa sa karangyaan.., buong kumpiyansang tugon naman ni PASTOR QUIBOLOY… “ito ang plano ng Diyos.”



Yun nga lang ay nabahiran ng karimlan si PASTOR QUIBOLOY dahil inakusahan ito ng KIDNAPPING at pag-BRAINWASH sa kanyang mga tagasunod, kinokontrol ang bawat galaw nila.., na kung tinatanong ito ay iginigiit niya na malaya ang kahit sino na umalis kung gusto nila at kung aalis umano ang mga miyembro ay IMPIYERNO ang kanilang kasasapitan.

Sa pananaw ng mga hindi naniniwala ay ito umano ang mga posibilidad kay QUIBOLOY na tunay na SON OF GOD.., isang mapanganib na ilusyon o isang mahusay na manloloko.

Punto ng mga dating tagasunod na ang kinikilalang isang HARI sa MINDANAO na si EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ang umaayon sa ilusyon ni QUIBOLOY. Tunay na magkaibigan umano ang dalawa na parehong itinayo ang kanilang mga imperyo sa pananakot, manipulasyon, at kapangyarihan.

Ang naging giyera kontra droga ni DUTERTE ay hindi malayo sa kontrol ni QUIBOLOY sa kanyang emperyo.., na parehong ginamit ang kanilang plataporma upang linlangin at pagsamantalahan ang masa habang namumuhay sa yaman at karangyaan. Ang kanilang relasyon ay nagbubukas ng mas malalalim na tanong tungkol sa kung paano pinayagan ni DUTERTE na umangat ang isang tulad ni QUIBOLOY noong siya’y nasa kapangyarihan.

Posible kaya na ang “SON OF GOD” at ang EX-PRESIDENT DUTERTE ay parehong nababaliw sa kanilang
mga ilusyon? O sila kaya’y parehong mapanlinlang na mga manloloko na ginagamit ang taumbayan para sa sariling kapakinabangan?

Sa walang humpay na pangangalkal ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) ay tiyak na MAGLALAGABLAB ang mga ebidensiya.., na kung magmimilagro ang sitwasyon at mapawalang sala ang HARI at ang SELDANG-ANGHEL ay mas matindi ang PAGLALAGABLAB na paghihiganting igagawad ng mga ito sa lahat ng mga nanira sa kanilang pagkatao!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.