Advertisers

Advertisers

ATTY. HARRY ROQUE ‘DI RAW SUSUKO SA QUAD COMMITTEE

0 18

Advertisers

KINUNDENA ng dalawang house leades ang ginawang pahayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa pagsabi na hindi ito susuko sa Quad Committee kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa POGO, illegal drugs, EJK at Human trafficking at ito ay indikasyon na guilty ito.

Una ng binanatan nina Sta Rosa City Rep. Dan Fernandez at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers si Roque dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig at hindi pagsumite ng mga hinihinging dokumento dahilan na pinatawan siya muli ng contempt.

Una ng pinuri nina Barbers at Fernandez ang PNP dahil sa pagsali na sa manhunt operations laban kay Roque na idiniklara ng pugante.



Kapwa binigyang-diin ng dalawang house leaders na ang pagtanggi ni Roque na makipagtulungan sa imbestigasyon ng Kamara ay lalong nagbibigay ng duda na siya ay inosente.

Kung walang itinatago ni Roque hindi ito dapat magtago at isumite ang mga kinakailangang dokumento.



Inihayag ni Fernandez na layon ng Komite na mabatid ang katotohanan kaya dapat lamang linawin ni Roque ang kaniyang pangalan.

Sinigundahan naman ni Barbers ang pahayag ni Fewrnandez na king naniniwala si Roque sa transparency and accountability dapat siya humarap sa Quad Comm.



***

Samantala puspusan naman ang ginagawang paghahanap ng binuong special tracker teams na pinangungunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay Roque.
Ito ay makaraang madawit ang pangalan ni Roque sa umano’y illegal POGO operations sa bansa at ngayo’y tinawag nang pugante ng mga dati nitong kasamahan sa House of Representatives.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, committed ang Pambansang Pulisya sa kanilang mandato na ipatupad ang batas at sinisiguro din nitong ipatutupad ang manhunt laban kay Roque na may highest level of professionalism at paggalang sa due process.
Una nang sinabi ng CIDG na wala sa dalawang address nito sa Metro Manila si Roque matapos nilang isilbi ang arrest order laban dito mula sa Kamara.

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.