Advertisers

Advertisers

PAMILYANG PULITIKAL

0 48

Advertisers

PAMILYANG PULITIKAL

 

NAUUNAWAAN kahit ng isang batang mag-aaral na walang matinong political party system sa bansa. Pawang nagpapanggap na lapiang pulitikal ang nagkalat na partido at ang totoo ay mga kasangkapan ng mga political dynasty sila. Bahagi ang mga lapian ng matinding labu-labo ng mga pamilyang pulitikal sa bansa.



“What we have is an anarchy of political families,” ayon sa mga social scientist na masusing inaral ang mga galawan sa ating sisteman pulitikal. Bagaman ipinagbabawal ng 1987 Saligang Batas ang mga political dynasty, iniwan nito sa Kongreso ang pagpanday ng batas na nagtatadhana kung paano ito ipapatupad.

Wala ipinasa ang Kongreso ng isang batas na nagbibigay laman sa probisyon ng Saligang Batas na kontra sa mga political dynasty. Nagkaroon ng pagtatangka ang mga mambabatas upang ipasa ang mga panukalang batas kontra pamilya pulitikal, ngunit hindi kumilos ang Kongreso. Ito ang dahilan kung bakit naglipana ang mga pamilya.



Ito ang dahilan kung bakit nagpasya na bumuo ng bagong samahan ang isang grupo ng mga tagapagtaguyod ng probisyon ng kontra-dinastiya ng Saligang Batas. Ayon kay co-convenor Alex Lacson, magsasampa ang grupong Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ng mga reklamo o disqualification case laban sa mga kandidato na tatakbo sa halalan sa 2025.

Hindi namin alam kung ano ang mga detalye ng grupong ANIM, ngunit may kredibilidad si Alex Lacson, isang abogado at manunulat, na paniwalaan ang paninindigan ng bagong grupo. Hindi nagbibiro ang ANIM upang tumayo kontra sa mga pulitikal pamilya. Gabay ng grupo ang probisyon ng Saligang Batas upang lumaban sa mga pamilyang pulitikal. Susulatin namin ang mga detalye ng grupong ito sa mga susunod na araw.



***

SA gitna ng mga kabi-kabilang public hearing ng dalawang sangay ng Kongreso tungkol sa mga krimen ng administrasyon ni Gongdi, pasok si Leila de Lima na nakatakdang magsampa ng mga reklamo kontra kay Gongdi na ginamit ang poder upang ibilanggo si de Lima ng pitong taon. Pagkatapos ng pag-aaral sa sakdal laban kay de Lima, plano ng pangkat ng mga manananggol na magsampa ng sakdal ng malicious prosecution, false prosecution, libel, perjury laban kay Gongdi at humingi ng danyos sa perwisyo.

Nais ni de Lima na iparating sa buong mundo ang kalatas na hindi basta magagamit ang poder ng sinuman lider o diktador upang bilanggo ang sinuman na tumanggi sa kanyang pamumuno sa gobyerno. May mga prinsipyo ng katarungan laban sa pang-aapi ng kailangan bigyan ng kahulugan batay sa karanasan, ayon kay de Lima.

Lumalabas ng maluwag ang turnilyo ng pag-iisip ni Sal Panelo idiin niya sa mundong ibabaw na “parusa” ang pitong taon niyang pagkabilanggo sa “pang-aapi” ni de Lima kay Gongdi noong si de Lima ang hepe ng Commission on Human Rights (CHR) na nagsiyasat kay Gongdi noong siya ang alkalde ng Davao City.Tinawanan ni de Lima ang katwiran ni Panelo. “It’s a stupid thing to say,” aniya. Baliktad na ang pag-isip ni Sal.

***

DUMATING kahapon (Miyerkules) sa Camara de Representante si Sara Duterte (nangingilabot ako na tawagin siyang bise presidente, o pangalawang pangulo; hindi kasi siya karapat-dapat). Hindi siya dumating upang magpaliwanag sa anumang pagdinig sa panukalang budget ng OVP. Tapos na ang pagdinig sa budget ng OVP. Tinapyasan ito mula P2.037 bilyon. Ngayon, ang panukala ay mahigit P700 milyon na lang.

Tinalakay sa public hearing ang privilege speech ni Kin. Rolando Valeriano ng pangalawang distrito ng Maynila, ang public hearing na dinaluhan ni Sara. Nagdaos ng public hearing ang Committee of Good Government ng Camara. Pinamumunuan ito ngayon ni Kin. Joel Chua ng pangatlong distrito ng Maynila.

Sa kanilang panimulang salita, ipinaliwanag ni Chua ang kapangyarihan ng Kongreso na itakda ng budget sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno. Nilinaw ni Chua na hindi natapos ang trabaho ng Kongreso sa paggawa ng budget. Kailangan siguruhin ng Kongreso kung paano ginamit ang budget at siguruhin ang tamang paggastos ng salapi ng bayan. Karapatan ng Kongreso ng humingi ng paliwanag ang Kongreso kung paano ginugol ang budget.

Nilinaw ni Valeriano na nagbigay siya ng privilege speech sa bulwagan ng Kongreso dahil ayaw ni Sara na magpaliwanag kung paano niya inubos ang confidential funds na P125-M noong 2022. Binanggit ni Valeriano na ayaw ni Sara magpaliwanag ni Sara kung paano gagastusin ang panukalang budget ng OVP sa 2025. Nais ni Valeriano na nagpaliwanag si Sara sa kanyang paggamit ng pondo ng bayan.

***

NAKAKATAWA ang tagpo sa komite ni Chua, ayaw ni Sara na sumumpa bilang saksi na sabihin ang katotohanan at pawang katotohanan. Tumulong agad si Kin. Gloria Macapagal-Arroyo, dating pangulo, kay Sara na nagpakita ng kanilang pagtutulungan. Sinabi ni GMA na inakusahan si Sara sa privilege speech ni Valeriano at may ruling ang Korte Suprema na maaaring tumanggi ang sinumang inakusahan na magbigay ng paliwanag sa anumang pagdinig ng Kongreso.

Hindi nahihiyang lapitan at harapan kausapin ni Sara ang mga kakampi sa Camara tulad ni GMA, at Kin. Rodante Marcoleta ng Hagip Party List. Ipinagpatuloy ni Chua, bilang presiding officer, ang public hearing. Binigyan ng pagkakataon ng komite si Sara na ipahayag ang kalatas bilang sagot umano sa mga bintang ni Valeriano.

Wala umanong maling paggasta sa pondo ng bayan, ani Sara. Sasagutin umano ang mga bintang sa husgado at hindi sa Kongreso. Tinawag niya na political attacks sa kanya ang pagdinig ng komite. Hindi martir si Sara, sa ganang amin. Umiiwas lang siya sa anumang pananagutan sa pagwaldas ng salapi ng bayan. Hanggang hindi siya nagpapaliwanag, hindi siya dapat paniwalaan at seryosohin.