Advertisers

Advertisers

BAKBAKAN NA

0 2,061

Advertisers

Hindi tinanggap ng paupo ni Inday Siba ang pangungutya ng mga kritiko mula sa tahanan ng mga kinatawang bayan. Kagyat na naglabas ng pagtatasa sa naganap na pagdinig hinggil sa usapin ng pondo ng tanggapan ng abalang pangulo. Malinaw na hindi makakamit ang inihaing pondo sa dalawang kabahayan ng kongreso na dahilan ng pagmamaktol at pamumulitika ang ginawa ng mga kinatawan. Hindi nag-atubili na bakbakan ang mga tumutol sa inihaing pondo ng tangapan, ang bloke ng makabayan at mga kinatawan na makiling sa tagapagsalita ng Kamara. Dahil hindi natagalan ang init ng pag-uusisa sa ‘di maipaliwanag na mga gastusin sa nakaraan, hayun hindi na sumipot sa pagdinig at sige na lang na bawasan ang higit na P2B ng budget ng tanggapan. At nang lumabas ang pigura ng pondong inilaan sa tangapan ng abalang pangulo tila tisiko na bumaba sa higit na P700M. Ang masakit tila nawala ang ilang nais na pinaglaan, higit ang confidential fund na gamit sa pantiktik sa makakaliwang grupo, hehehe. Ang nakakalungkot, walang kibo’t hindi narinigan ang dating kapareha na nakaupo sa puno ng Balite ng Malacanan. O’ sa dulo ang kamutan ng mga likuran higit kung tanggap na si Jun Singhot ang may tangan sa kaperahan ng bayan.

Lumiit inilaan na pondo ng kongreso sa tangapan ni Inday Siba. Subalit ‘di nagmaktol sa sulok ang abalang pangulo sa halip sumulat ito sa tagapagsalita ng Kamara na pinauubaya sa Kamara ang pondo ng tanggapan. Sa pagsulat sa tagapagsalita ng Kamara, hindi na sumipot sa pagdinig at sa halip naglabas ng pahayag bakit hindi dinidinig ang taunang pondong inilalaan sa kongreso. Sa pahayag tahasang ipinaabot sa mamamayan ang ‘di patas na panuntunan ng mga kinatawan higit sa pondong inilalaan sa sariling tanggapan. Samantalang pawang pinagsusumite ng budget plan ang lahat ng sangay ng pamahalaan. Sa pahayag, tahasang ibig ipaabot na may pagmamalabis sa usapin ng kaperahan ang kongreso dahil hindi natatalakay ang sariling pondong inilalaan sa tanggapan. At tila may pagdidiin na ‘di lumalabas sa anumang uri ng media ang tunay na halaga ng pondo ng kongreso. Sa pahayag ni Inday Siba, tila nasaktan ang Kamara at tuluyang nakipagbakbakan sa abalang pangulo. At sa sumunod na kabanata, bangit na ang pag-iwas ng abalang pangulo sa pagdinig sa pondong inihahain ang tahasang tindig ng ‘di paggalang sa institusyon o sa Kamara. At ipinaaabot na hindi magpapatinag ang mga kinatawan sa panunuwag ng abalang pangulo. Ito’y sa dahilang ang mga kinatawang bayan ang may tangan ng lukbutan ng pamahalaan.

Sa pagbabalik sa pagdinig sa pondo ng tanggapan ng abalang pangulo hindi ito sumipot ngunit tumayo ang ilang kapanalig at pilit na itinutulak ang tradisyon ng kortesiya sa tanggapan ng abalang pangulo at kagyat na ipasa sa antas ng komite at patakbuhin sa plenaryo. Nagkaroon ng mainitan na palitan ng mga tindig na nauwi sa bilangan at lumabas ang pagpapaliban ng pagdinig sa inihahaing pondo ng abalang pangulo. At sa dulo ng prosisyon, nangayayat ang pondong inihain sa halagang P730M. Sa pagbaba ng taunang pondo ng tangapan ni Inday Siba umasang sasabay ang pagbaba ng pagkaibig ng Pinoy sa abalang pangulo. Malinaw na ‘di maitutuloy ang mga pag-upa sa mga maliliit na tanggapan ng abalang pangulo sa iba’t – ibang lugar sa bansa na gamit para sa ’28 at ‘di sa serbisyo. Asahan na sa susunod na mga araw na may lalabas na isang matikas na makabayan na maghahain ng pagpapasipa sa tungkulin sa abalang pangulo.



Sa pagtangi ni Inday Siba na humarap sa mga kinatawan hindi nag-atubili ang mababang kapulungan sa pagtabas sa pondo ng tanggapan ng una na siyang inaasahan. Sa pagtabas ng pondo ng abalang pangulo hindi kasunod ang pagtayo ng tagapagsalita ng mababang kapulungan at nagpasalamat sa mga kinatawan sa maayos na paghawak sa usapin ng paglalaan ng pondo ng mga tangapan sa gobyerno. Mabangis ang patama ng tagapagsalita sa mga bumabatikos sa hanay at bangit na hindi matatakot ang kapulungan sa anumang uri ng panunuwag ng sino man. Walang pagbabangit nang kung sino pinatutungkulan ngunit malinaw na ang patama’y sa abalang pangulo na naglabas ng punto hingil sa ‘di pagdinig sa mismong pondong kongreso para sa susunod na taon. Malinaw na ‘di tangap ng kongreso ang tindig ni Inday Siba at ang mismong tagapagsalita ang tumayo at nagtangol sa hanay. Ang tindig na hindi magpapa-api’y nakabatay sa batas. Ang mga pagdinig sa kaperahan ng bansa’y naka atang sa kamay ng mga kinatawang bayan.

Hindi o wala mang bangitan ng ngalan ang magkabilang panig ngunit may mukha ang bakbakan na nagaganap at patungo sa upuan na inaasam ng mga kasalukuyang opisyal. Ang bentahe sa laban, malakas ang lukso ng dugo higit hindi makita ang sensiridad ng kabilang panig higit sa pagtukoy sa nakaraan ng dating kapareha. At nariyan ang patuloy na pambabatikos ni Totoy Osla sa gawi ng tagahanga ng Duran-duran. Sa malayong pagkakataon na makukuha ang basbas ng dating kapareha para sa hinahangad na kinabukasan. Ang mapait, tila may tatayo na matikas na kaalyado ang tagapagsalita ng Kamara na maghahain ng reklamo upang masipa si Inday Siba sa pwestong tangan. Hindi malayo na magaganap ang pagdinig sa ihahaing pagsipa sa pwesto kay Inday Siba na maglalagay sa pangarap nito sa alanganin. Ano masasabi ng ibig maging alkalde?



Sa totoo lang, malinaw ang bakbakan ng mga nag-aambisyon sa ’28 at ang halalan sa ’25 ang barometro ang higit na malalim na bakbakan. Ikalawang sigwa ng bakbakan ang paghahain ng pagsipa sa abalang pangulo na maglalarawan sa kung sino ang tatayo sa susunod na panahon. Ang kagalingan sa tagapagsalita ng Kamara, hindi matukoy ang tuwirang partisipasyon sa mga kaganapan at nagagawa ng mga kaalyado ang pagbakbak sa brat ng kaTimugan. Litaw ang kamangmangan ng butangera ng kaTimugan samantalang kampante si MR Waray Upay na ‘di tuwirang matukoy sa mga kaganapan. Ang padaskol na kilos ni Inday Siba ang larawan ng katotohanan na malapit ng magwakas ang pamamayagpag ng kaTimugan. At sa nalalapit na pagsipa sa abalang pangulo, asahan na babagsak na ang trono ng kamangmangan at mapagmalabis. Sa bakbakan sa nag-aambisyon sa ’28,ingat MR. Waray Upay at huwag magpakampante dahil puno ang lukbutan ng kaTimugan mula sa nakaraan para sa kinabukasan.

Maraming Salamat po!!!!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">