Advertisers
NAKATAKDANG dumating sa bansa ang mga pinakamagagaling na mixed martial artists sa kontinente ng Asia para lumahok sa prestihiyosong Asian Mixed Martial Arts Championship na gaganapin sa Newport World Resorts,Mariott Grand Ballroom , Pasay City sa Oktubre .
Ito ang unang hosting ng Pilipinas para sa dambuhalang combat sports na nasa amateur status kung kaya tinatawagan at welcome para kay Bambol at ang kanyang pinamumunuang MMAP ang lahat ng enthusiasts na mag- tryout para sa oportunidad na mapabilang sa national team na sasabak sa best of the best martial artists sa Asia.
At op kors ay di papayag si Bambol na walang makakamit na medalya ang ating mga pambato lalo na dito sa ating balwarte gaganapin ang bakbakan.
Malaki ang bilib ng alkade na lalaban nang husto ang Pinoy MMA’ers kontra powerhouse China at mga ‘istan nation tulad ng Kazakhstan,Uzbekistan, Tarjikistan at iba pa na pawang dating Russian Republics.
Katuwang ni Mayor Bambol sa pagtiyak ng tagumpay ng hosting ng Asian MMA Championship si wrestling president at URCC MMA founder Alvin Aguilar.
Kaya pagdating ng Oktubre 14 -16, tena sa Mariott Grand Ballroom.”BAKBAKAN NA!” sigaw ni secgen Alvin.
Sambit naman ni POC president ( Cong) Bambol…LET’S GET READY TO RUMBLE!
***
Lowcut: Special shoutouut sa ating friend at colleague na si Ms Narisa P. Gonzales aka Ms
Horizon Chaser
Host/writer/broadcaster/ SciTech Vice President/ PhilAAST Member
HMS News Edition (Happy Morning Show )
News Website: www.happymorningshow.com
Gandang Umaga na…gising na !