Advertisers

Advertisers

Colonia sasabak sa Espanya

0 29

Advertisers

NAKATAKDANG sumabak ang Southeast Asian Games silver medalist Angeline Colonia sa IWF World Junior Championship na gaganapin sa Leon,Spain ngayong Biyernes.

Sinabi ni national team heaad coach Gregorio Colonia na ang kanyang 17 taon na pamangkin ay malaki ang tsansa na masungkit ang women’s 45-kilogram class ng paligsahan na magsisimula 1:30 ng umaga (Manila time).

Ang batang Colonia ay bahagi ng eight-man delegation kabilang sina Rose Jean Ramos, Jhodie Peralta, Rosalinda Faustino, Albert Ian delos Santos, Lovely Inan, Prince Keil delos Santos at Eron Borres.



“She is doing okay and she is ready for 19 September,” Wika ni Gregorio, na kinatawan ang bansa sa Seoul Olympics noong 1988.

“She has a chance to get a medal. We don’t know what color but she has a big chance to make it to the podium.”



Sinabi ng matandang Colonia na ang boung delegasyon ay nag training sa Manila ng isang buwan bago lumipad patungong Spain nakaraang Linggo.

“They’re now adjusted to the climate in Spain,”Tugon ni Gregorio, na sinamahan ng mga coaches Diwa delos Santos, Samuel Alegada, at Allen Diaz, pinsan ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.



“We have been training in Zamboanga but our preparation was more than a month.”