Advertisers

Advertisers

3 drug suspects arestado sa P387K shabu at baril sa Caloocan

0 40

Advertisers

Nasa halos P400k  halaga ng shabu at isang baril ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Restie Mables ang naarestong mga suspek na sina alyas Louie, 43, (HVI), alyas Ron, 44, at alyas Buboy, 23, pawang residente ng lungsod.



Sa ulat ni Caloocan police chief  PCol Paul Jady Doles ,kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagtutulak ng droga ni ‘Louie’ at ‘Ron’ kaya ikinasa nila ang buy bust operation laban sa suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 57 grams ng shabu na may standard drug price value na P387,600, buy-bust money na  isang kalibre .45 pistol na may isang magazine at kargado ng tatlong bala ay nakuha kay ‘Louie’.



Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ni ‘Louie’.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">