Advertisers

Advertisers

VM Cabral, magpapatuloy ng serbisyo sa mga Rizalenos

0 375

Advertisers

MULING magpapatuloy na magsilbi at maglingkod sa bawat mamamayan ng Taytay si Vice Mayor Pia Cabral nang muli maghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa ilalim ng Partidong Lakas.

Layon ng paghahain ni Cabral na maipagpatuloy ang kanyang nasimulan na pamunuan ang konseho ng Taytay upang makagawa pa ng mga makakabuluhang batas na lubhang mapapakinabangan ng mga mamamayan.

Nahalal si Cabral sa murang edad na nakitaan ng hindi lamang pagiging energetic public servant kundi pagkakaroon ng puso para sa kanyang mga mamamayan lalo sa masang Filipino.



Sa kanyang unang terminong paglilingkod bilang ikalawang alkalde ng kanyang bayan, hindi nakitaan ng anumang reklamo at anumang negatibong isyu o usapin si Cabral.

Aminado si Cabral na talagang tinawag siya ng ating Panginoon upang maging lingkod bayan sa mga mamamayan ng Rizal.



Hindi din kayang tawaran ang istilo at sistema ng pagiging lingkod bayan ni Cabral na walang katulad sa sinumang lingkod bayan.

Patunay dito ang pagsuporta sa kanya ng kanyang mga kaibigan at kakilala partikular na ang kilalang political person na malapit kay Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos, Jr. na si Gerald Dequina.



Ayon kay Dequina suportado niya si Cabral dahil sa nakita niyang angking husay at galing nito at puso sa paglilingkod sa bayan.

Naniniwala din si Dequina na mapalad ang mga mamamayan ng Taytay kay Cabral dahil tiyak niyang mararanasan ng mga ito ang totoong lingkod bayan.

Nanawagan din si Dequina sa lahat ng mga mamamayan ng Taytay lalo na mga Marcos Loyalist na huwag na silang magdalawang-isip pa na muling iboto at iluklok sa puwesto si Cabral

Tiniyak ni Dequina na hindi masasayang ang kanilang botong igagawad dito dahil sa tatapatan ito ng sulit at walang katapusang serbisyo publiko ni Cabral.