Advertisers

Advertisers

Mother Tongue aalisin na sa K-3

0 39

Advertisers

ISA nang ganap na batas ang panukulang nagsusulong na suspendihin ang paggamit ng ‘mother tongue’ bilang medium ng pagtuturo mula sa kindergarten hanggang Grade 3 sa buong bansa.

Ito’y matapos mag-lapse into law ang Republic Act No. 12027 nang walang lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Oktubre 10, 2024.

Layunin ng panukala na matugunan ang kakulangan ng mga learning materials sa ‘mother tongue’ na lengguwahe sa mga paaralan.



Sa ganitong paraan din, sinasabing ang konstitusyonal na mandato ay makapagbibigay ng de kalidad na edukasyon para sa lahat ng mga mag-aaral sa pangunahing edukasyon.

Batay sa bagong batas, pinasususpinde ang implementasyon ng Section 4 ng Republic Act 10533 o ang “Enhanced Basic Education Act of 2013.” (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">