Advertisers

Advertisers

Pagkakahuli sa top CPP-NPA-NDF lider nagbulgar ng baho sa pansasamantala ng grupo sa Peace Talks

0 46

Advertisers

Ang pagkakahuli kay Porferio Tuna Jr., isang high-ranking lider CPP-NPA-NDF, ay nagbulgar ng baho sa pagmamanipula ng komunistang-teroristang samahan sa usapang pangkayapaaan o ‘peace talks’.

Sa isang online press conference ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ng mga key stakeholders, kabilang ang ilan sa mga dating CPP leaders, binigyang diin nila ang paggawa ng bagong ‘framework for peace’ na magwawaksi sa mga dating usapang pangkapayapaan na namanipula lamang ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Si Noel Legaspi, dating lider at deputy secretary/spokesman of the CPP NPA NDF – FSMR, ang mismong naghayag na hinaba-haba ng panahon, nagagawa ng CPP-NPA na maisulong nito ang agenda imbes ang reconciliation.



Kasama na rito, ayon kay Legaspi, ang pagsasamantala ng CPP-NPA-NDF sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG), na naglalayong protektahan ang mga peace negotiators.

“Based on the information we gathered, they (CPP) used a deposit box in the Netherlands to store code names for their consultants, allowing them to deny involvement when individuals were apprehended. However, the government has now mandated the use of real names, limiting the CPP’s ability to manipulate this mechanism,” paliwanag ni Legaspi.



Dagdag pa niya, ginagamit ng CPP ang peace negotiations sa pagpapanggap ng mga ito sa international world na sila ay mga ‘peace-loving individuals’ na binabalewala ng pamahalaan.

“Kaya malakas ang international solidarity work nila,” paliwanag ni Legaspi.



Si Arianne Jane Ramos (ka MARIKIT), na dati namang CPP leader at chairperson ng Gabriela Youth – UP Mindanao, ay nagsabi na ang mga “consultants” ng CPP-NPA-NDF na umanoy nagsusulong ng peace talks “are not there to negotiate sincerely”.

“They are top-level cadres on a mission to secure temporary freedom and regroup for the next phase of their insurgency. Nakita naman natin si Tuna how he manipulated the legal processes to his own advantage,” paliwanag ni Ramos.

Kanya pa nga raw natatandaan na sinabi sa kanya ni Tuna noon na ito ay nasa Italy para mag-ubos lamang ng oras.

SinTuna, na kilala din bilang al “Ka Ampong” at “Ka Simon Santiago,” ay isang prominenteng CPP regional cadre sa Southern Mindanao. Naaresto siya sa Tagum City, Davao del Norte ng 10th Infantry Division ng Philippine Army dahil sa mga kasong murder, kidnapping, at serious illegal detention.

Nakulong na siya noong 2015 at nagawarang makapag piyansa noong 2016 para makibahagi sa peace negotiation sa pagitan ng Philippine goverment at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ngunit nagjumped bail ito at nagtago na.

Ang tawag sa taktikang ito sa CPP-NPA-NDF ay “ticket-to-freedom racket.”