Advertisers
MEDYO delayed na ng konti ito, pero tingin ko maganda pa rin nating pag-usapan, lalo na ngayon mainit na naman ang imahe ng kapulisan.
Kamakailan ay itinalaga ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil si Brig. Gen. Nicolas Torre III bilang bagong Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director.
Marami ang nagulat, at marami rin namang nagpasalamat kay Marbil, dahil ang pulis na gaya ni Torre III ay isang huwaran ng isang tunay na lingkod-bayan.
Si Torre III ay napapabilang sa sa angkan o pamilya ng lingkod-bayan. Ang kanyang ama ay isa rin heneral noon na hindi nabihiran ng marungis na imahe sa kanyang paglilingkod.
Si Torre III ay halos ganun din, maliban na lamang nang maligwak ang kanyang desisyon ng iharap sa media ang isang dating pulis na nainvolved sa ‘road rage’. Di niya ikinatanggal sa pwesto iyon, kusa siyang nagbitiw bilang Quezon City Police District Chief.
At nang maitalagang head nga Davao Region Police, nakitaan na naman ng natatanging leadership ang mama, at napasuko si Pastor Apollo Quiboloy. At yun nga, nabiyayan pang muli na pamunuan ang CIDG.
Alam at kilala kasi ni PNP Chief Marbil ang katauhan ni Torre III. May ‘delicadeza’ ang mama, ika nga. Kaya minabuti ni Marbil na siguro, panahon na para pamunuan ni Torre III, ang CIDG.
“Full-scale internal cleanup,” ang iniutos ni Marbil kay Torre III upang maibalik ang integridad at ang tiwala ng oubliko di lamang sa CIDG kung di sa buong hanay ng PNP.
Workhorse ng PNP ang CIDG, malalaking kaso ang hinahawakan nito. Di ba ng, sa imbestigasyon sa Kongreso, nailabas na naman ang mga alegasyong may mga maling tira and CIDG.
Pero ngayong si Torre III na ang hepe nito, gaya ng paniniwala ni Marbil, ako rin ay tiwala sa kakayahan ni Torre III, na mapapatino nito ang CIDG. Di lamang yan, maibabalik ng mamang iyan ang tikas at kabutihan ng kapulisan.