Advertisers

Advertisers

Kris itinanggi ng kampo na ikakasal na sa dyowang doktor

0 51

Advertisers

Ni Jovi Lloza

MARIIING pinabulaanan ng kampo ni Kris Aquino ang naglabasang isyu sa isang page tungkol sa actress.

May isang poser na nagpapakalat na ginamit pa ang legit publishing.



Sinasabi sa isyu na ikakasal na nga raw ang Queen Of All Media sa bf nitong si Michael Padlan na resident doktor ng Makati Medical Center.

May larawan pa na punumpuno ng halaman at bulaklak.



Mariing idiniin ng kampo ni Kris na fake news ang kumakalat na ikakasal na ito.

Wala raw katotohanan ang mga naglabasang tsika sa isang page sa socmed.



Mas pokus daw ang aktres sa kanyang kalusugan para sa mabilisang paggaling.

Para makabalik na sa limelight na naging parte na ng kanyang buhay sa mahabang panahon.

Marami ring na shock na netizens sa nagkalat na fake news sa isang page na ikakasal na si Kris

***

Kawalang gana sa showbiz ni Enrique Gil, dalawang anggulo tinitignan

MUKHANG nawawalan ng sigla si Enrique Gil sa kanyang karera.

Kahit kasama ito sa action serye na Incognito nina Daniel Padilla at Richard Gutierrez sa ABS CBN.

May balita kasi na umayaw at kumalas na ito at ayaw na ituloy ang proyekto.

Kung dati ay kaliwa’t kanan ang mga proyekto nito ngayon ay ramdam ng faney na bigla na lang lumamlam ang career nito.

Dalawa ang tinuturong dahilan ng paglungkot ng career ni Enrique.

Isa nga ang paglayo ni Liza Soberano na nasa poder na ng isang management sa Korea matapos itong bumitaw sa pamamahala ni James Reid.

At ito nga na tinuturong dahilan talaga ng paglamlam ng karera ni Enrique ay itong di maganda ang kinita sa takilya ng kanyang pagbabalik pelikula na I’m Not A Big Bird.

Well, well, well…’Yun na!