Advertisers
NASAWI ang 15-anyos na estudyante nang suntukin ng Sangguniang Kabataan (SK) kagawad, Linggo ng gabi sa Punta, Sta.Ana, Maynila.
Idineklarang dead on arrival sa Sta.Ana Hospital si Krisnard Alexus Garcia ng Barangay Hulo, Mandaluyong City.
Hawak na ng pulisya ang salarin na sina Irinro Cardamio III alyas Jimeel, 23 anyos, binata, SK Kagawad ng Brgy. 894, Maynila; at kasabwat nitong si Mark Jorell Trinidad, 18, residente rin sa nasabing lugar.
Sa imbestigasyon, dumulog ang biktima sa barangay hall kaugnay sa panununtok ng SK kagawad sa kanyang kaibigan.
Habang nasa harap ng barangay hall ang biktima, pinagtulongan itong bugbugin nina Cardamio hanggang sa bumagsak.
Base sa autopsy report sa bangkay, traumatic head injury ang kaniyang ikinamatay.
(Jocelyn Domenden)