Advertisers
Artadi bilang pointgu9ard, Ritualo sa shooting guard, Yap ang shooting forward, Cezar as power forward at Allado kanilang sentro.
Sixth man nila si Zamora.Wow super squad yan.
Ayon kay Sen. JV Ejercitio ay ginawa raw na retirement haven ng mga retiradong basketbolista ang konseho ng San Juan City.
Mangyari tatlong ex-PBA player ang nakaupo ngayon sa Sangguniang Panglunsod.
Miyembro ng city council sina Paul Artadi, James Yap at Don Allado.
Patapos na ang ikatlong termino ni Artadi kaya sina Yap at Allado na lamang ang mga kandidato. Pero inilagay naman sa ticket ng kasalukuyang alkalde ang isa pang dating player sa katauhan ni RenRen Ritualo.
Puro sila nasa kampo ni Mayor Francis Zamora na naglaro noon sa UAAP at PBL.
Siyempre mga kapwa La Salle Green Archers ni Mayor sina Allado at Ritualo samantala ang mga barkada naman sina Yap at Artadi na galing UE Warriors.
Noon naging vice- mayor ng lungsod si PBA legend Philip Cezar. Ngayon susubukan ng original na Tapal King mabawi ang puwesto sa panig ng oposisyon na suportado ni Sen Jinggoy Estrada.
Baka ito nga ang konseho na may pinakamaraning cager kung manalo silang lahat kasama si Cesar na magiging presiding officer ng local na legislative body. Kung may magpapaliga ng mga halal sa Metro Nanila ay walang duda kampeon ang bayan ni Erap. Sila ang sakalam.
***
Naka-3-0 agad ang LA Lakers sa unang linggo ng bagong NBA season kaya masaya si Pepeng Kirat na parating nakangiti na.
Halos walang pagbabago sa line-up maliban sa dalawang draft pick.
Pati starting five pareho noong isang taon.
Ang malaking pangyayari ay ang pagdating ni Coach JJ Reddick kapalit ni Darvin Ham.
Naiba ang takbo ng team. Gumanda ang chemistry. Luminaw ang papel ng bawa’t isa.
Mas dominante na si Anthony Davis. Higit na agresibo si Rui Hachimura at mas may kumpiyansa si Austin Reeves. May sapat na playing time ang rookie na si Dalton Knecht at pamalit na si Jaxon Hayes. Nakarecover na sa injury si Gabe Vincent. Siyempre consistenr pa rin si LeBron James.
Napainam ni Coach JJ ang kapalaran ng purple and gold. Kumbinasyon ng taktika at motibasyon.
Tingnan natin kung mapanatili ni Reddick sa susunod na mga buwan ang mahusay na pag-mentor ng prangkisa ng mga Buss.
***
11,200 katao sa Ynares Center sa Antipolo para sa Game 1 ng PBA Finals sa pagitan ng TNT at GSM best attendance ever sa venue sa Rizal province.