Advertisers

Advertisers

Biyenan, sinakal at binalot ng plastik ang ulo ng manugang

0 14

Advertisers

MATAPOS ang ilang araw na pagtatago, nadakip ng pulisya ang pumaslang at nagbalot ng plastik sa ulo ng isang senior citizen sa Trece Martires, Cavite.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Orlando Carag, hepe ng Trece Martires Police, sumuko ang 37-anyos na salarin sa Malolos Police sa Bulacan, October 22, limang araw matapos gawin ang krimen.

Unang sinuyod ng mga operatiba ang ilang lugar sa Candaba, Pampanga. sa Capas Tarlac, at sa Taguig at Marikina bago natunton ang salarin sa Bulacan.



“October 22, tumawag ung kapatid ng salarin na ‘yung suspek natin ay nasa Malolos. So nag-proceed ‘yung follow-up team na na-deploy sa Candaba [Pampanga]. Nag-proceed sila sa Malolos together with the father [ng suspek],” sabi ni Carag.

“So nung dumating na ‘yung follow-up team natin sa Malolos, ang request ng brother ay sa Malolos Police siya dadalhin for documentation. So pumayag na ‘yung team natin. Matapos mai-blotter doon ang suspek ay dinala na siya dito sa Trece Martires Police Station,” dagdag niya.

Ang salarin ay ang manugang mismo ng 65-anyos na biktima.

Dating barbero ang salarin na 12 taon nang kasal sa anak ng biktima.

“Ang sabi nya [noong suspek] natakot na rin pati na-pressure siya dahil sinusundan na rin siya ng police ng Cavite. Then nung tumawag siya sa wife niya, pinakausap ng wife niya ‘yung anak niya. So sinabihan siya ng anak niya na, ‘Papa, sumuko ka na lang’ so ‘yun ‘yung nag-trigger na ‘yung suspek natin ay determinado nang sumuko,” sabi ni Carag.



Sa sinumpaang salaysay ng salarin, inamin niyang sinakal niya ang biyenan hanggang sa mamatay ito bago niya binalot ng plastik ang ulo nito.

Sa imbestigasyon ng Trece Martires Police, pinuntahan ng biktima ang manugang, para sana mag-usap tungkol sa laptop ng kanyang apo, October 17 ng hapon.

Sinangla kasi ng manugang ang laptop ng apo, na anak ng salarin, na gagamitin sana ng bata para sa kanyang online classes.

Doon nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pagpatay sa matanda.