Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI na nga mapigilan ang kilig ng mga faney sa tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards o KathDen, na ang iba ay iniisip na may relasyon nang namamagitan sa dalawa. Pero may mga iba ring netizen ang may agam-agam kung totoo nga ba ang pinapakitang sweetness ng KathDen.
Iniisip kasi ng iba na baka raw for the promo lamang ito ng pelikula nilang Hello, Love, Again.
Well, nakatsikahan namin ang isang source na malapit sa KathDen at may mga bagay kaming tinanong tulad ng kung totoo ba talaga na nanliligaw si Alden kay Kathryn. Sey ng aming source, masugid daw ang panliligaw ng una sa huli.
Pangalawa naming tanong, kung si Kathryn kaya ay nahuhulog na rin ang loob kay Alden. Sagot ng aming source, naniniwala raw siyang true ito. Kilala raw niya kasi ang aktres, at alam niya kung may nararamdaman ito.
Tinanggi din ng aming source na for the promo lamang ang sweetness ng dalawa.
Ang alinlangan naman daw ay mawawala dahil malalaman ng mga faney na matapos man ang promo ng kanilang pelikula, tuloy pa rin ang panliligaw ni Alden kay Kathryn.
Speaking of Kathryn, sa guesting niya sa Tonight With Boy Abundapara sa promo ng nasabing pelikula nila ni Alden, sinabi niya na handa na siya na muling magmahal.
Diretsahang tanong sa kanya ng host na si Kuya Boy, “Kathryn, yes or no, are you ready to fall in love again?”
Mabilis na sagot sa kanya ni Kathryn, “Yes!”
Diin pa niya “Kahapon pa. Reding-ready na, yes.”
So, kung ganyang ready nang muling ma-inlove si Kathryn, ibig bang sabihin nito na nakalimutan at naka-move on na siya sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla? At kung sakaling papasok ulit sa isang relasyon si Kath, si Alden na anga kaya ang susunod niyang magiging boyfriend? Sagutin nga kaya niya ang dating ka-loveteam ni Maine Mendoza? ‘Yan ang ating aabangan.
***
ANG SB19 ang biggest winner sa katatapos lang na 16th Star Awars for Music, na ginanap sa Carlos P. Romulo Auditorium RCBC Plaza, Makati City,noong Linggo ng gabi, October 27, 2024.
Apat ang award na napanalunan ng sikat na P-pop group. ito ay ang Song of the Year, Album of the Year, Duo/Group Concert of the Year, at Dance Recording of the Year.
Hindi nga lang nakarating ang SB19 sa awards night dahil kasabay nito ang kanilang concert na ginanap sa Araneta Coleseum.