Advertisers

Advertisers

Transcript ng Senate hearing ipinadala sa ICC…SEN. RISA KAY DUTERTE: ‘MANAGOT KA SA BATAS NG TAO!’

0 67

Advertisers

“DAPAT managot muna si dating Pangulong Duterte sa batas ng tao, bago ang parusa ng impyerno. Tutal, inako naman niya ang responsibilidad sa madugong war on drugs na nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong Pilipino,” ayon kay Senator Risa Hontiveros.

Ito ang ipinahayag ni Hontiveros matapos ang pag-amin ni dating Pangulo Rodrigo Duterte kungsaan isiniwalat niya ang mga pag-utos ng pagpatay sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub-committee noong Lunes, Oktubre 28.

“Problema ang droga at krimen, pero hindi pagpatay, lalo na ng inosente o walang kalaban-laban, ang solusyon diyan,” saad ni Hontiveros.



Samantala, sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes na naipadala na sa International Criminal Court (ICC) ang transcript ng Senate hearing kungsaan maraming inamin si Duterte tungkol sa extrajudicial killings.

“Natransmit na po ngayon sa ICC ang transcript ng Senate hearing kungsaan maraming inamin si evil duts tungkol sa EJK. The pertinent Quad Comm transcripts were transmitted early on and all were duly received. Lahat ng ito ay magagamit sa trial later on,” post ni Trillanes sa kanyang FB account.

Ipinahayag naman ni Senate President Chiz Escudero na lahat ng sinabi ni Duterte sa Senate hearing ng Blue Ribbon Committee ay hindi na puwedeng bawiin dahil ito’y kanyang sinumpaan.