Advertisers
Nasawi ang mag-asawa nang pagbabarilin sa loob ng kanilang sasakyan sa Brgy. Panilongan, Buruanga, Aklan.
Sa imbestigasyon ng Buruanga PNP, bago nadiskubre ang krimen ay may narinig na putok ng baril ang mga residente hanggang sa makita na lang ng mga ito ang mag-asawa na naliligo na sa sariling mga dugo sa loob ng kotse.
Dagdag pa ng awtoridad, may nakitang mga tama ng bala sa kanilang dibdib ang mag-asawa.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Buruanga PNP sa nangyaring insidente at hinihintay na lang ang magiging resulta ng imbestigasyon at pagsusuri ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen.