Advertisers

Advertisers

CHRISTMAS TREE LIGHTING CEREMONY, SINIMULAN NG MUNTINLUPA LGU

0 54

Advertisers

NAPUNO ng kasiyahan at naging makulay nang sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang kapaskuhan sa pamamagitan ng Christmas Tree Lighting Ceremony noong Biyernes, Nobyembre 15, 2024 , sa harap ng Muntinlupa City hall.

Tampok ang 45 feet Christmas tree na may 3 feet star, at 20 feet in diameter. Gawa ito sa bakal at pinalamutian ng mga garland, Christmas balls, at resin decors. Nagningning ang puno sa 80,000 Christmas light bulbs at 10,000-pixel light bulbs.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Ruffy Biazon, “Ang seremonyang ito ng pag-iilaw ng Christmas tree ay tanda ng pagsisimula ng ating mga kapaskuhang pagdiriwang. Ito ay sumisimbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at kasiyahan ng panahon. Ibahagi natin ang liwanag at init ng Pasko sa buong Muntinlupa



Ayon kay Biazon, ang tradisyunal na pamamahagi ng ‘ pamaskong handog ‘ lalo na sa mga senior citizens ay isang pagkilala sa hindi matatawarang pagmamahal at pagmamalasakit nila sa naturang lungsod.

May performance din ang local choirs mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, Colegio de Muntinlupa, Tunasan National High School, Muntinlupa National High School, at Muntinlupa Science High School.



Dumalo sina Congressman Jimmy Fresnedi, City Councilors, Department Heads, at mga empleyado ng city hall. Natapos ang gabi sa isang magarbong fireworks display.

Dagdag ni Congressman Jimmy Fresnedi, “Ang pagdiriwang na ito ay isang paalala ng ating pagkakaisa bilang isang komunidad. Nawa’y magpatuloy ang diwa ng Pasko sa bawat tahanan at puso ng bawat Muntinlupeño.” (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">