Advertisers

Advertisers

‘DATSA LOTSA NONSENSE’

0 10

Advertisers

NOONG nakaraang linggo, maraming Pilipino sa Amerika ang nagalit nang ibawal ng FDA o Food And Drug Administration ang pag-angkat ng mga produktong tulad ng Jufran at Mang Tomas Lechon Sauce. Sa panlasang Pinoy, ang mga nabanggit na produkto ay ilan sa mga produktong nagbibigay-ugnay sa mga Pilipino at sa bansang sinilangan man o pag-ugnay dahil sa dugo. Sa marami ito ay nagparang pagbawal ng toyo, na natitiyak ng inyong abang linkod, magpapataas ng kilay ng lahat ng intsik.

Pero bago tayo magaklasan at manunog ng tinakan ng Makdo, huminahon muna sa isip at suriin ang puno’t dulo ng pagbawal. Una, ang ginawa ng FDA ng Estados Unidos ay malawakang pagbabawal sa mga produktong may sangkap na “potassium iodate.” Ito ay isang uri ng kemikal na asin, na, sa kalaunan maaaring pataasin ang yodo o iodine sa katawan na makakaapekto sa thyroid gland. Ang thyroid ay glandula sa leeg na kumokontrol sa pituitary gland na nasa utak na kumukontrol kung paano gagamitin ng katawan ang iniimbak nitong enerhiya.

Kapag may problema ang thyroid gland, maaaring magbago ang dami ng thyroid hormone. Ang potassium iodate ay ginamit matapos ang pagsabog ng bomba atomika sa Hiroshima, at sakuna sa Fukushima nuclear reactor dahil pinipigil nito ang paggawa ng yodo o iodine na lubos na mapinsala sa katawan lalo na sa mga sanggol at bata. Kaya mag hunos-dili tayo. Ang nasabing sangkap ay bawal din sa maraming bansa.



Ang tanong: Paano nating aayusin ang isyu? Sapantaha ng maliit na mamamahayag na ito: Alisin ang potassium iodate at palitan ng sangkap na pinapayagan gamitin ng FDA. Uulitin ko, hindi mga produkto tulad ng banana catsup o lechon sauce ang ipinagbabawal kundi ang potassium iodate na isa sa mga sangkap nito. Hangga’t hindi pa nilulunsad ang “Americanised” banana catsup at “home made” lechon sauce, tumangkilik sa “home made” muna. Dapat tayo sumunod sa reglamento at siyasatin ang dahilan ng pagbabawal.

Maging mapanuri dahil ito ang ginawa ni Maria Orosa nang inimbento niya ang banana catsup. Dahil kung hindi mananatili tayong mangmang. Kaya “don’t panic.” Maging mapanuri at huwag padalos-dalos s areaksyon. Dahil pag iyan ang gagawin, ‘Eka nga ng nasirang Mariano Contreras aka Pugo: Datsa lotsa nonsense!



***

SA wakas, dumalo sa QuadCom hearing ng Mababang Kapulungan ang serial killer na dating pangulo. At useless, tinangka pa niyang baligtarin ang naratibo at tulad ng tiyo mong lasenggo na pinipilit ang kanyang agenda. Ngunit sa umpisa pa lang naging maliwanag ang komite na pinamumunuhan ni Robert Ace Barbers na ang masusunod na mga patakaran na sinang-ayunan ng mga pinuno ng komite Romeo Acop, Dan Fernandez, Bienvenido Abante, Joseph Steven “Caraps” Paduano, Deputy Speakers Aurelio, “Dong” Gonzalez at David ” Jay-Jay” Suarez. Naglitawan na parang mga kabute ang mga kasapakat ng serial killer ex-president tulad ng Rep. Drixie Mae Cardema ng Duterte Youth Partylist at kapatid niya na si Ronald, dating kongresista.



Nandoon din ang dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo. Mistulang Duterte Pasista Party List ang magkapatid, iyong lalaki, matapos kantiyawan ni dating Kin. Neri Colmenares at iyong babae, matapos nagmungkahi na maging patas ang QuadCom hearing. Sa maikli, parehong bongklong ang dalawang Cardema, iyong lalake, sinabihan na maayos at huwag mambully, iyong babae, dumalo sa mga hearing bago humirit.

Maliban sa nasaksihan natin lalo na ang tangkang tampalin ng serial killer president si Antonio Trillanes, at tangkang pukpukin si Leila De Lima ng mikropono, sa opinyon ng abang mamamahayag, naging matagumpay ang QuadCom sa pagrenda sa mga nais manggulo dito, lalo na si serial killer na dating pangulo, na nagmistulang isang batang ayaw magpatihulog. Para sa inyong abang lingkod, binigyan siya ng paggalang na sumasang-ayon sa kanyang posisyon bilang dating pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Iyonn lang, kung baga sa isang golf course kinakailangan siyang sumunod sa mga patakaran ang pagsuot ng sapatos. Naging matagumpay ba ang ang pagdinig? Opo. Una, nagawa ng QuadCom na mangibabaw ang mga alituntunin nito, at hindi pinahintulutan ang pagbihag nito ng ninuman. Pangalawa, nagawa nitong pasagutin ang “resource person” Rodrigo Duterte nang tanungin ito ng mga kongresista.

Ito ay sa kalaunan “in-aid-of-legislation”. Kung ito ay magiging “in-aid-of-ICC, ang 11th Quad-Committee Hearing ng 19th Congress of the Republic Of The Philippines ay libre para kaninuman. Kung nakarating man sa mga kinauukulan ng ICC ang mga kaganapan eh naintindihan niyo na bakit. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

Jok Onli:

(Mula sa baul ng nilalang na itatago lamang natin sa pangalang Logie Kinko):

BRO: Pre, may tattoo na ako…

BOY: Ayos, hindi ka na sasabihan

na bading ka… Saan ka

nagpapatoo pre?…

BRO: Sa kilay para magmukhang

suplada… ( AHAHAYYY…)

***

mackoyv@gmail.com