Advertisers
INIHAYAG ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla nitong Miyerkules na bahala na ang mga local chief executive na habulin ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na nagpapanggap na mga restaurant at resort
Sa pagsalag ni Remulla sa Commission on Appointments (CA) para sa kanyang ad interim appointment, tahasan nitong inamin na may mga POGO na nag-a-aplay bilang mga resorts at reataurants.
“Ang pinakamalaking disguise na pinagdaraanan nila ngayon ay nag-a-apply sila para sa mga resort at restaurant,” ayon kay Remulla.
Kaya nasa kapangyarihan na aniya ng mayor na bisitahin ang mga establisyimento at siguraduhin na kung ano ang nangyayari sa loob.
Inihalimbawa ni Remulla ang nangyaring raid sa Lapu-Lapu ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kung saan front lamang ang hotel at restaurant.
Pinaniniwalaan din na isa itong “guerilla operation” ng POGO mula sa Porac, Pampanga na nagtago sa Lapu-Lapu.