Advertisers

Advertisers

3 CHINESE NATIONALS AT ISANG PINOY NA ‘TULAK DROGA’, NALAMBAT SA PARAÑAQUE CITY

0 62

Advertisers

TATLONG Chinese national at isang kasabwat na Pinoy ang inaresto ng mga operatiba ng Parañaque Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa isang buy bust operation na isinagawa noong Huwebes (Nobyembre 28) sa Access Road, Brgy. Don Galo, Parañaque City.

Iniulat ni SPD Director PBGen Bernard R Yang kay NCRPO Acting Regional Director PBGen Anthony A Aberin, ang pagkakaaresto sa tatlong chinese na sina alyas Fan, 46 taong gulang, (Paglabag sa Sec 5 at 11 sa ilalim ng Artikulo II ng R.A 9165) alyas Jiao, 31 taong gulang, (Paglabag sa seksyon 5 at 11 Art. II RA 9165) at mga kasabwat na si alyas Qi, 31 taong gulang (Paglabag sa seksyon 11 Art. II RA 9165, at isang alyas Roy, 30 taong gulang, Filipino, delivery rider (Paglabag sa seksyon 11 Art II RA 9165).

Nabatid sa ulat ng pulisya, isinagawa ng mga operatiba ng Parañaque City SDEU ang operasyon bandang alas-3:45 AM na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos magbenta ng mga dangerous drugs sa isang undercover agent o poseur buyer.



Narekober sa isinagawang operasyon ang isang knot-tied at isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit o mas mababa sa 62 gramo na may halaga ng SDP na ?421, 600.00, walong heat sealed plastic foil pack na may label na may mga banyagang character na naglalaman ng pulbos ng hinihinalang happy water/drug cocktail na nagkakahalaga ng ?20,000.00.

Marked money na ?5,000.00 at ?95,000.00 halaga ng boodle money na pawang ginamit bilang buy bust money, tatlong cellular phone, sling bag, passport at dalawang identification card.

Ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng pulisya at para sa tamang disposisyon habang nakabinbin ang pagsasampa ng kaukulang reklamo sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

Sa kabila nito, pinuri ni PBGen Yang ang Parañaque CPS at nangakong ipagpatuloy ang pagpapaigting ng kampanya na labanan ang mga krimen na may kaugnayan sa droga, na tinitiyak na ang mga nasasangkot dito anuman ang nasyonalidad, ay mananagot sa ilalim ng batas. (JOJO SADIWA)