Advertisers

Advertisers

Madis, Aludo umusad sa Philta International Juniors tennis tilt

0 12

Advertisers

DINISPATSA nina Filipinos Tennielle Madis at Stefi Marithe Aludo ang kanilang kanya-kanyang kalaban para makarating sa second round ng coca-Cola Philta International Juniors Leg 1 sa Rizal Memorial Tennis Center Martes.

Dinaig ni top-seeded Madis, ang Korean qualifier Lee Hanbi,, 6-1, 6-1, habang si Aludo,ang No.3 seed, nagwagi laban sa Chinese Du Ruihan,7-6 (4), 6-1.

Second seed at first leg champion Oh Jiyun of Korea, Pimlaphat Lim ng Thailand, Saaya Sakashita ng Japan at Shinar Zahra Shukayna Heriyadi Sunggoro ng Indonesia umabante rin sa ITF Juniors J60 event na suportado ng official ball Technifibre.



“I’m glad to win my first match,” Wika ng 17-year-old Madis. “Hopefully, I can keep my momentum throughout the tournament.”

Madis, nag training sa ilalim ni coach Bobbie Angelo sa Philppine Tennis Academy na tinatag ni Romy Chan, ay galing sa kambal na panalo sa ITF J60 event sa Changhua City, Chinese Taipei.

Nagwagi siya sa singles title laban sa No.3 Rira Kosaka ng Japan, 6-0, 6-4, at naangkin ang doubles title ksama ang PTA teammate Stefi Marithe Aludo matapos pataubin si Kosaka at Ching Laam Lai ng Hong Kong, 6-3, 6-3.

Madis, na pinanganak at lumaki sa M’lang, North Cotabato, ay nagwagi ng 5 singles title ngayong taon, kabilang ang panalo sa J30 PHINMA Week 1 and 2 sa Makati City sa July at J60 events sa Colombo Sri Lanka) sa September, at Nonthaburi (Thailand) sa October. nagwagi rin siya ng five doubles titles kasama si Aludo.

“Our heartfelt congratulations to Tenny for her exceptional skill and dedication to the sport which has paid off in the tournaments she has been competing in. She has been an inspiration to us and everyone supporting Philippine tennis. We in the Academy are very proud of her and wish her all the best in her succeeding events,” Wika ni PTA Chairman at PHINMA Chairman Emeritus Oscar Hilado.