TINANGHAL na bemedalled athlete ng 11th BIMP -EAGA Friendly Games si Quendy Fernandez ng Philippine Team E sa tampok na bahagi na ng tunggalian ng magkakalapit bansang Brunei,Indonesia Malaysia East Asia Growth Area.
Kinopo ng 19-anyos na UP student at pride ng Puerto Princesa ang 4 GOLDS, 1 SILVER para sa Pilipinas.
“It’s a fun experience kasi dito po ako nagco-compete kung saan ako lumaki, and dito rin po ako natuto lumangoy from kinder palang dito na ako nagsi-swim, lalo narito pa ako sa international competition,” wika ni Fernandez.
“Sobrang malaking boost po sa akin na makita ko po ‘yong mga familiar faces, it just really brings so much joy and energy,”ayon sa isa sa tinatayang future of swimming ng bansa na si Quendy.
“Diko po inii-expect na makakuha ng maraming medals.
Hopefully, [kung loloobin po], madagdagan ko pa po ‘yong mga medals ko.”
Sa athletics event naman ng pestihiyosong kaganapang suportado ng Philippine Sports Commission at iní-host ng Puerto Princesa sa pamumuno ni City Mayor Lucilo Bayron, humataw ng gintoFg medalya si Kevin Lucero ng Philippines sa kanyang golden jump na 6.77 upang ungusan ang pambato ng Indonesia na si Adder Fandi ng Malaysia B.
Tinalo naman ng Indonesian relay team ang Pilipinas para sa gìnto ng 4x 4 mixed relay ,46.61 at 47.11 ayon sa pagkakasunod.