Advertisers

Advertisers

P408K shabu, nasamsam sa Valenzuela

0 26

Advertisers

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 ( Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isang drug suspect sa ikinasang buy- bust operation sa Valenzuela City, nitong Miyerkoles.

Kinilala ni PCol.Cayaban ang suspek na si alias “Buboy”, 56, Taxi Driver, residente ng Obando, Bulacan.

Sa ulat kay Northern Police District Director PCol.Josefino Ligan ni Valenzuela police chief PCol.Nixon Cayaban, 7:10 ng umaga sa kahabaan ng Kabesang Imo Street Barangay Balangkas Valenzuela City, nang maaresto ng Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela CPS sa koordinasyon ng PDEA ang suspek.



Nasamsam sa suspek ang P408,000.00 halaga ng shabu, 1 unit Nokia keypad cellphone at black coin purse.

Inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa suspek.(Beth Samson)