Advertisers

Advertisers

P74 MILYONG HULI

0 14

Advertisers

KAKAIBA itong napabalitang huli na nagkakahalaga ng mahigit pitumpung milyong pisong shabu sa Central Luzon. Saan galing yan? At bakit napakarami?

Sa report ni Police Regional Office 3 (PRO3) Director P/Brig.Gen. Redrico A. Maranan, pinagsama-sama na raw ito ng kanilang mga huli mula October 1 hanggang 25 November, 25, 2024.

Ganun pa man, napakaramioa din. Bagsakan na nga ba ng shabu ang Central Luzon? Parang di nauubos itong shabu. Baka may mga laboratoryo na naman dito sa atin?



Sabi ni Red Maranan, yan ang dati ko nang tawag sa mama na matagal-tagal na rin nating kaibigan, P74,064,534.78 lahat lahat ang kanilang nasabat. Aba oarang premyo na ng lotto ang halaga niyan. Marami ka nang magagawa sa halaga na yan.

Pero mas marami ang masisirang buhay kung di nasabt nila Maranan yan. Kaya palakpskan natin ang mga operatiba ng PRO3 sa kanilang sigasig sa panghuhuli ng shabu.

Dagdag pa ni Red, ang kanilang ‘intensified anti-drug campaign’ ay nagbunga na ng 910 police operations. Madami na din yan. At naka aresto na ng 1,365 na mga indibidwal. Wow!

Sa record daw ng PRO3, nakakumpiska ka na ng 4,964 grams ng shabu, 10,889 grams ng marijuana, 26,000 grams ng kush, 89 na mga baril. May armas pa ha!

Tinutumbok ni Red ang achievement na yan sa dedikasyon ng kanyang mga pulis at pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan doon laban sa iligal na droga.

“This success demonstrates the unwavering dedication of our police force to maintaining peace and order in the region,” ang sabi pa Maranan.



“We are intensifying our campaign against illegal drugs, in line with the directives of our Chief PNP, ensuring that every operation is conducted legally and with respect for human rights,” dagdag pa niya.

Mahalaga talaga ang pakikiisa ng mga mamamayan sa isang komunidada gaya sa mga laban na ito sa iligal na droga. Sa kanila din kasi minsan nanggagaling ang mga impormasyong kailangan ng ating kapulisan, kapag may napapansin silang mga kakaibang pagkilos at mga aktibidad ng mga kahina-hinalang karakter sa kanilang lugar.

Gaya ni General Maranan, ako din ay nakikiusap sa inyo, makipagtulungan tayo laban sa iligal na droga. At sa atin namang kapulisan, aba, eh tumbukin niyo na rin saan at kanino nanggagaling yang pagkadami-daming shabu na yan. Salot yan.