Dedma lang kay Cavite PD Col. Alegre: VICES/DRUGS OPERATION NINA KA MINONG, HERO AT JUN TOTO LALONG LUMALA!
Advertisers
MATAPOS mabunyag ang talamak at ‘di masugpo-sugpong operasyon ng illegal vices, na sa halip na mabawasan ay lalo pang nadagdagan ang mga lugar na may mga pasugalan na prente ng kalakalan ng shabu sa lalawigan ng Cavite, na nagbunsod sa grupo ng anti-crime and vice crusaders na manawagan upang di-siplinahin, pagbitiwin o kaya’y tanggalin sa pwesto ang may 16 lokal na opisyales at matataas na pinuno ng pulisya sa lalawigan, kabilang na ang provincial director ng pulisya na si Colonel Dwight Alegre.
Unang iniulat ng grupo, Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), ang mga siyudad at bayan na garapalan ang ope-rasyon ng sakla, na ang pasimuno ay ang isang nagngangalang “Ka Minong”, “Hero” at “Jun Toto” na kilala rin sa taguring “Tatlong Ilog ng Cavite” ngunit tila hindi naman nakikita nina Col. Alegre at ng city/municipal mayors.
Sa halip na 15 lang ay nadagdag pa rito ang bayan ng Indang na may grabeng opera-syon ng saklaan na may shabuhan kaya’t pumalo na sa 16 ang kabuuang bilang ng mga lugar sa Cavite na may matinding suliranin sa illegal gambling at droga.
Si Ka Minong at Hero, ayon sa MKKB, ang nagpapatakbo ng mga saklaan sa iba’t ibang barangay at lisensyadong sabungan o tupadahan sa Dasmariñas City, Cavite City, at Bacoor City, kasosyo ang isang pulis na si “Sgt. Ewang”, “Eric” at ang fake National Bureau of Investigation (NBI) agent na si “Elwyn” na ipinananakot din sa pangingikil si NBI Director Jaime Santiago.
May mga malawakang operasyon din ng EZ2, Pick 3, Peryahan ng Bayan (PnB) bookies at online gambling sa naturang lungsod ang isang high value target drug personality na si alyas Jun Toto, kasosyo sina Nitang Kabayo, Kap Abner at ilang personalidad na sangkot din sa illegal drugs. Rebisahan ng mga ito ng taya ang isang malawak na garahe sa Brgy. San Luis.
Sa siyudad ni Carmona Mayor Dahlia Loyola ay mahigit sa apat na dekada o 40 taon na ang operasyon ng oil at petroleum pilferage o paihi/buriki ng isang alyas Amang at Violago Group ngunit hindi naaaksyunan ng alkalde at ng kanyang chief of police na si LtCol. Jefferson Ison, ayon sa MKKB.
Bukod sa mga siyudad ng Dasmariñas, Bacoor at Cavite, kinumpirma ng MKKB na may mga pasakla din sina Ka Minong at Hero sa bayan ng Mendez, kasosyo ang drug pusher at estapador na si alyas “Joji”; sa Amadeo, Maragondon, Ternate, Noveleta, Naic, Magallanes at Bailen kasosyo sina Eric at Elwyn sa iba’t ibang barangay at sa mga lisensyadong sabungan at tupadahan.
Ngunit sa kabila ng pagbubunyag sa malawakang operasyon ng saklaan sa mga naturang siyudad at bayan gamit na sentro ng salyahan ng shabu ay nadagdag pa ang bayan ni Indang Mayor Perfecto V. Fidel na pangulo ng Cavite Municipal Mayor’s League sa bilang ng mga munisipalidad na may garapalang operasyon ng sakla at drug trade. Ang grupo ng “Tropang Guyam ng Indang” ang kasosyo nina Ka Minong at Hero rito.
Ayon sa MKKB, bilang kalihim ng DILG, may kapangyarihan si Sec. Jonvic Remulla na suspindehin at pagbitiwin din sa kani-kanilang pwesto ang mga gobernador, alkalde at iba pang lokal na opisyales ganun din si Col. Alegre at mga opisyales nito kung ‘di masosolusyunan ng mga ito ang mga iligal sa kanilang hurisdiksyon.
Ayon din sa mga miyembro ng MKKB, kung talagang hangad na maipakita ni Sec. Remulla na sinsero at determinado ang admi-nistrasyon ni PBBM na pagbabago at pagpapaganda ng imahe ng LGUs pati na ang kapulisan ay kailangan nitong agarang pa-litan sa puwesto sina Col. Alegre kasama ang kanyang mga police chief na wari’y hindi nagtatrabaho, mga kababayang alkalde tulad nina Dasmariñas City Mayor Jennifer Barzaga, Cavite City Mayor Denver Chua, Bacoor City Mayor Strike Revilla; Mendez Mayor Cocoy Mendoza Jr.; Bailen Mayor Dennis Glean; Amadeo Mayor Redel John Dionisio; Maragondon Mayor Laurence Arca; Ternate Mayor Lamberto Bambao; Naic Mayor Raffy Dualan; Noveleta Mayor Dino Chua,; Magallanes Mayor Jasmin Maligaya-Bautista; Bailen Ma-yor Dennis Glean at Mayor Fidel dahil sa di pag-aksyon laban kina Ka Minong, Hero at Jun Toto.
Si Carmona City Mayor Lo-yola na bigong sugpuin ang dekada-dekada nang operasyon ng buriki/paihi nina Amang at Violago Group sa Brgy. Banca ay kasama ring dapat kastiguhin ni Sec. Remulla.
Si Silang Mayor Edward “Ted” Carranza ay maari ring papanagutin kung bakit ‘di naaksyunan ang operasyon ng tatlong pergalan (peryahan na pulos sugalan) kabilang dito ang pinatatakbo ng isang Gigi malapit mismo sa Ma-yor’s Office sa Bagong Munisipyo ng Silang; pergalan na minamantine ni Fe at Ronnie sa Brgy. Maguyam sa naturan ding bayan; at Alfonso Mayor Randy Salamat dahil sa pagsasawalang kibo nito sa operasyon ng pergalan na may shabuhan ng drug pusher na si alyas Jessica.
Nabatid na itinalaga ni Ka Minong si Hero na overall police tong collector, tagadampot ng daan-daang libo hanggang milyones na payola na ibinibi-gay ng mga “lord” para pangha-tag sa ilang police officials sa Cavite PNP, PNP Region 4A at Camp Crame PNP Headquarter kasama pa ang pangalan ng walang kamalay-malay na si PNP Chief Rommel Francisco Marbil. (CRIS A. IBON)