Advertisers

Advertisers

Pulis tinutukan ng baril 2 negostanyeng nakasagutan ng dyowang GRO

0 23

Advertisers

NAHAHARAP sa kasong ‘grave threats’ ang isang pulis nang tutukan ng baril ang dalawang negosyanteng nakaalitan ng umano’y girlfriend nito sa isang bar sa Quezon City.

Kapwa nasa kustodiya na ng pulisya sina Patrolman Nelson Morrondoz, Jr., 26; at kasintahang si Trisha Bocalbos, 18, receptionist.

Sa report, nangyari ang insidente 4:50 ng umaga ng Sabado sa harap ng Adrenaline Bar and Club 33 Scout Borromeo St, Diliman, Brgy. South Triangle, Quezon City.

Nabatid na palabas na ng nasabing bar ang mga biktimang sina “Chester”, 23; at “Charles”, 38, nang dumaan si Bacolbos sa hallway na sinasabing lasing.

Binangga ni Bacolbos sina “Chester” at “Charles” at pinagtutulak hanggang sa makalabas ng bar na humantong sa pagtatalo.

Nakita ni Pat. Morrondoz ang komosyon, bumaba ng kotse at lumapit sa mga biktima. Tinutukan niya ng baril ang dalawa, na agad namang naawat ng bouncer na si Gino Santos.

Agad namang rumesponde ang mga pulis na sina Pat. Marvin Prado at Pat . Melvijohn Julong at binitbit ang kanilang kabaro at kasintahang si Bacolbos. Sasampahan ng kasong physical injury si Bacolbos.

Kinumpiska ng mga pulis ang isang baril na Canik TP9 na may bearing serial No. T6472-19BG19801.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.