Advertisers

Advertisers

Araguy!!! Lalo pang bumaba ang trust rating ni VP Sara

0 20

Advertisers

GOOD day, Pilipinas. Its 1st Friday of New Year, 2025. Balikan na uli sa Metro Manila ang mga nagsibakasyon bago ang kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon. Kaya asahan simula bukas (Sabado) hanggang Linggo ang masikip na pila sa mga terminal at pier. Ingat nalang sa biyahe, mga kapatid… God bless sa ating lahat…

***

Isinapubliko nitong Lunes ng Social Weather Station (SWS) sa kanilang website ang resulta ng survey sa trust rating ni Vice President Sara Duterte-Carpio gamit ang mga tanong na sponsored ng Stratbase Consultancy, isang research think-tank na nagbibigay ng insights kaugnay ng proseso sa pagbubuo ng gobyerno ng mga polisiya nito.



Sa nationwide survey na ginawa ng SWS mula Disyembre 12 hanggang 18, nasukat na 52 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing pinagtitiwalaan nila si VP Sara, 17 porsiyento ang undecided, habang 29 ang kakaunti ang tiwala sa Bise Presidente.

“Among the 98% aware of Sara Duterte, 52% said they have much trust (% very much trust plus % somewhat much trust), 17% were undecided, and 29% said they have little trust (% very much trust plus % somewhat much trust) in her. This gives a net trust rating of moderate +23, down by 6 points from moderate +29 in September 2024,” pagdedetalye ng SWS.



Ginawa ng SWS ang survey na ito isang araw bago ihain sa Kamara de Representantes noong Disyembre 19 ang ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara, na tulad ng dalawang nauna ay nakatuon din sa kinukuwestiyong paggastos niya ng P612.5-million confidential funds, bukod pa sa mga kasong betrayal of public trust, plunder, bribery, at graft and corruption.

Nito lamang Disyembre 21, ibinunyag ng isang survey ng Pulse Asia na 10 puntos ang ibinaba ng approval rating ni VP Sara: mula sa 60 porsiyento noong Setyembre, nasa 50 porsiyento na ito ngayong buwan.



Mas malaki naman, nasa 12 puntos, ang natapyas sa trust rating ng Bise Presidente: ang 61 porsiyentong naitala niya noong Setyembre ay sumadsad sa 49 porsiyento ngayong Disyembre.

Ang lahat ng ito ay dahil sa mga pagtanggi ni VP Sara na ipaliwanag kung saan niya nilustay ang higit P621 million confi at intel funds ng Office of the Vice President at ng Department of Education (DepEd) na dalawang taon din niyang pinamunuan.

Sa mga pagdinig na ginawa ng House Quad Committee, nabunyag na ang confi-intel funds ni VP Sara ay naubos lang sa mga walang kabuluhang bagay, ayon narin sa ulat ng Commission on Audit (CoA), kungsaan nabunyag ang maraming ghost beneficiaries tilad nina Maru Grace Piattos, Kokoy Villamin at marami pa, na hindi nakatala sa Philippine Statistics Office.

Dahil dito, si VP Sara ay sinampahan ng tatlong impeachment complaints sa Kamara na sisimulang talakayin sa pagbabalik ng Kongreso mula sa bakasyon.

Sabi ng secretariat ng Kamara, may natunugan silang may dalawa pang grupo ang magsasampa ng impeachments complaints laban sa Bise Presidente.

Sinabi naman ni VP Sara na napag-usapan na nilang mag-ama ang mga kakaharaping impeachments. Naghahanda na raw sila ng mga depensa. Isa raw ang kanyang ama, ex-Pres. Rody Duterte, ang tatayong abogado niya. Hahaha!!! Obra kaya ang mga pagmumura ni Digong sa Impeachmemt court? Hehe…

Alam ng mga Duterte na ang impeachment ay isang numbers game sa Kongreso. At iilan nalang ang kapanalig nila. Kaya ‘di malayo na ma-impeach si VP Sara. Abangan!