Advertisers

Advertisers

‘Missing person’ natagpuan ang bangkay sa morgue

0 26

Advertisers

ISA pang kaso ng pagpaslang ang naresolba ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas sa pagdukot at pagpaslang sa isang negosyante sa lungsod nitong Enero 5, 2025 nang isa sa tatlong naarestong salarin ang responsable sa pagpatay sa naiulat na missing person noong 2022.

Ayon kay Colonel Melecio M Buslig, Jr, QCPD Acting District Director, si Ruby Gonzaga, nanay ng reported missing person na si Noel noong Marso 16, 2022, ang nagtungo sa QCPD upang humingi ng tulong nang mapanood sa news sa telebisyon ang kaugnay sa pagkakaaresto kay Noli Cape, isa sa tatlong naarestong salarin na sangkot sa pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng residente ng lungsod.

Ayon kay Ruby, nanay ni Noel (ang naiulat na nawawala), magkaibigan ang kanyang anak at si Cape kungsaan naniniwala siyang may nalalaman si Cape sa pagkawala ng kanyang anak.



Sinabi ni Ruby, huli niyang nakita ang anak nang umalis sa kanilang bahay sa Caloocan sakay ng motorsiklong kulay itim na Honda Beat motorcycle. Aniya pa, simula noon walang tigil na ang kanilang paghahanap kay Noel na halos umabot na sa tatlong taon.

Dahil dito, agad na iniutos ni Col. Buslig kay Major Don Don Llapitan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), na komprontahin si Cape.

Ayon kay Llapitan, umamin si Cape sa kanyang partisipasyon at itinuro bukod sa sinamahan pa ang grupo ng CIDU kung saan itinapon ang bangkay ni Noel sa Pangarap Village, Brgy. 182, Caloocan City.

Nagsagawa ng pagsusuri ang CIDU sa lugar hanggang sa Casoy Street kungsaan itinapon ang bangkay ni Noel.

Ayon kay Llapitan, kinumpirma ng may-ari ng lote na noong 2022 isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa lugar.



Makaraan, nakipag-ugna-yan ang CIDU sa Forensic Unit ng Caloocan City. Sa rekord sa forensic unit, positibong may natagpuang bangkay ng isang hindi na-kikilalang lalaki sa lugar Marso 18, 2022.

Ipinakita kay Ruby ang mga litrato ng bangkay, at positibo niyang kinilala na si Noel, ang kanyang anak, ang nasa litrato.

Ang labi ng biktima ay nasa kustodiya ng Crystal Funeral Homes sa Brgy. 180, Camarin, Caloocan City.
(Almar Danguilan/Ernie Dela Cruz)