Advertisers

Advertisers

2 oposisyon posibleng mabuo sa 20th Congress – Political Analyst

0 6

Advertisers

POSIBLENG mabuo ang dalawang oposisyon sa 20th Congress.

Ito ay ayon sa isang Political Analyst na si Prof. Jean Franco, kung saan kabilang dito ang grupong sumusuporta kay Vice President Sara Duterte habang ang isa naman ay ang grupo ng oposisyon noong Duterte administration.

Kabilang dito sina Senador Risa Hontiveros; incoming Senators Kiko Pangilinan at Bam Aquino; gayundin sina dating senador Leila De Lima; at Atty. Chel Diokno.



Pahayag ni Professor Franco, malinaw na layon ng grupo ni De Lima na lumayo sa kampo ni Duterte.

Klinaro ni Prof. France na hindi pa malinaw ang tunay na kahulugan ng salitang “opposition” sa sistema ng pulitika sa bansa.

Samantala, naniniwala naman ng isa pang political analyst na si Prof. Aries Arugay na malabo pang makipag-sanib pwersa sa ibang grupo ang partido ng mga Duterte, sa kabila ng bangayan sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Duterte.