Distribusyon ng P1K monthly allowance ng mahigit 10K estudyante ng UdM, inanunsyo ni Mayor Honey
Advertisers
INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na sa May 28 hanggang May 31 na ang distribusyon ng P1K monthly allowances ng mahigit 10K estudyante ng Universidad de Manila (UdM).
Ayon kay UdM President Dr. Felma Carlos-Tria, ang mga currently-enrolled na estudyante ay kailangang magdala ng sariling ballpens, original at photocopy ng UdM-issued RFID card na may tatlong specimen signatures, photocopy ng GO Manila ID, printed copy ng student portal na may midterm grades (second semester, 2024-2025).
Ang procedure at schedule ng payout ay naka-post sa official social media account ng lungsod at UdM, ayon pa kay Tria at idinagdag din niya na ang sistemang gagamitin ay personal handout tulad ng dati. Ang bawat student beneficiaries na nasa 10,492 ang kabuuan ay tatanggap ng P2,000 para sa buwan ng March at April.
“Ang maliit na tulong na ito ay isang patunay ng ating buong suporta sa ating mga mag-aaral para makatulong at makapagtapos sila sa kolehiyo,” sabi ni Lacuna.
Nabatid na ang ma 8,200 na estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ay tatanggap din ng kanilang dalawang buwang allowance sa pamamagitan ng kanilang debit card accounts.
Ang UdM at PLM ay parehong pinatatakbo ng lokal na pamahalaan ng Maynila at ang mga estudyante dito ay tumatanggap ng P1,000 monthly allowance sa pamamagitan ng social amelioration program ng Maynila na ipinasa noong termino ni Lacuna bilang Manila City Council’s Presiding Officer. Tumatanggap din ng monthly financial assistance mula sa lungsod ang ang senior citizens, solo parents at persons with disability ng Maynila.
‘Di katulad ng PLM na ang allowance ay downloaded, habang ang allowances ng mga estudyante ng UdM ay niri-released sa pamamagitan ng personal payouts, kung saan ang petsa ay naitakda na.
Ang allowances ay ipinamamahagi ‘per college basis’ upang tiyakin ang kaayusan ng proseso at para din sa convenience ng mga estudyante.
“These payouts to students are regular occurrences. These allowances are the beneficiaries’ share of the taxes collected and revenues generated by the city,” sabi ni Lacuna.
Idinagdag ng alkalde na na sa kabila na hindi kalakihan ang allowance , ito naman ay upang kahit papaano ay makatulong sa mga gastusin ng mga estudyante mula sa city-run colleges at upang sila ay makaraos.
Sa kabuuan, may 18,692 mag-aaral ang nakakatanggap ng P1,000 monthly allowance mula sa lungsod. (ANDI GARCIA)