Advertisers
Inaresto ang tatlong katao sa naganap na demoli-syon sa Barangay 262 at 264 sa Mayhaligue Street, Tondo, Maynila .
Bahagya namang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga demolition team at mga residente na ayaw pa rin lisanin ang kanilang mga tirahan.
Paliwanag ni Sheriff Raymundo Rojas ng Metropolitan Trial Court, pinaiiral nila ang humanitarian consideration dahil sa masamang panahon lalo na’t nahihirapan makahanap ng ma-tutuluyan ang mga residente.
Paliwanag ng sheriff na sa ilalim ng batas dapat itigil ang demolisyon kapag umuulan kaya naman pansamantala itong itinigil.
Sa kabila nito, desidido ang demolition team na ipatupad ang kautusan ng korte.
Bantay sarado naman ng mga residente ang mga lagusan upang hindi makapasok ang mg demolition team at mga pulis na nakabantay din sa dalawang barangay.
Ayon kay Rojas, taging Temporary Restraining Order o TRO lamang mula sa korte ang maa-ring makakapagpigil sa demolisyon na ilang taon na rin hindi naipapatupad.
Giit naman ng mga residente, gusto nilang makita ang kautusan o dokumento mula sa korte at magkukusang aalis pero ma-bigyan sana sila ng disenteng malilipatan.(Jocelyn Domenden)