Advertisers

Advertisers

Region 8 athletics nasungkit ang 1st gold sa 2025 Palarong Pambansa

0 8

Advertisers

NAKUMPLETO ni Chrisia Mae Tajarros kinatawan ng Eastern Visayas ang kanyang redemption tour matapos mangibabaw sa 3000 secondary girls finals ng 2025 Palarong Pambansa Lunes sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium sa Laoag, Ilocos Norte.

Ang 13-year -old runner ay dinomina ang laban para makamit ang unang ginto sa nagpapatuloy na Palaro at binaliktad ang kanyang silver medal outing nakaraang taon sa gold sa pagkakataong ito.

Tajarros, na Grade 9 student sa Tanauan National High School sa Leyte, nagtapos second sa 2024 edition sa likuran ng gold medalist Asia Paraase ng Lapu-Lapu City.

Samantala, Mary Mae Magbanua ng Caraga region nakupo ang silver medal sa tiyempong 10:48.4 habang hometown bet Nathalei Miguel ng Ilocos region sinako ang bronze matapos tapusin ang karera sa 10 minuto at 50.4 segundo.

“Naiiyak po ako kasi nakuha ko po ‘yung gold, hindi po nasayang ‘yung training,” Wika ng emotional Tajarros sa reporters matapos manateling sa unahan ng 28-woman field.

“Nagpapasalamat po ako kay God kasi narinig niya po ‘yung panalangin ko at ‘yung mga sacrifices ko sa training. Minsan po kasi sa training naiiyak rin po ako pero ginagawa ko po ‘yun na motivation para makuha ‘yung gintong medalya sa Palarong Pambansa.”